Kabanata Dalawampu't Dalawa

1739 Words

“Ano ba kasi ang ginawa mo, Joriz?” Hila-hila ni tita Marivic ang braso ng pinsan ko habang naglalakad kami sa pasilyo papunta sa guidance office. “Eh, kasi naman, Mama! Sinabihan akong wala raw akong Tatay!” inis na sagot ni Joriz. Mas mahaba pa ang pagyuko ko habang nakasunod kina tita Marivic at Joriz. Katabi ko si lola Nita na tahimik lamang at simula noong malaman niya ang nangyari ay hindi siya nagbanggit ng kahit ano tungkol sa nagawa naming dalawa ng pinsan ko. Sinubukan kong sulyapan si lola. Gusto ko sanang makita kung ano ang ekspresyon ng kaniyang mukha, ngunit wala akong makitang kahit anong reaksyon doon. Blangko lamang ang mukha ni lola kaya hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Galit siguro si lola sa akin. Mahina akong bumuntonghininga nang maisip ang bagay na iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD