Kabanata Dalawampu't Tatlo

1492 Words

“Nag-uumpisa ka pa lang sa eskuwelahan, may nakaaway ka agad,” sambit ni tita Marivic at umiling kay Joriz. “Sa dati ko ring school, ang dami ko ring nakaaway roon, Ma, eh.” Tumatawa namang sagot ng pinsan ko. Nahirapan akong lunukin ang kanin at ulam na nasa loob ng aking bibig. Gabi na at sabay-sabay kaming naghahapunan nina lola at Adriel kasama rin sina tita Marivic at ang mga anak niya. Ngunit ngayon ay kaming apat na lamang nina lola, tita Marivic, at Joriz ang nasa mesa. Tapos nang kumain sina Adriel at Aston. Naglalaro na sila ngayon doon sa may sala. Nakatutuwa talaga na naging malapit sa isa’t-isa sina Aston at ang kapatid ko. Isang beses ko rin silang nakita sa loob ng eskuwelahan na magkasama. Ang hindi lang magkasundo ay kaming dalawa ni Joriz. Kung ako, pumasok pa klase ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD