Kabanata Apatnapu't Apat

1521 Words

“Parang masyadong mabait ang mga teacher natin ngayon, ah. Lahat sila pumayag na manood lang tayo ng last practice ng mga mag-pe-perform, oh,” bulong ni Irish sa akin. Tumango naman ako, sumasang-ayon sa sinabi niya. “Kaya nga, eh. Noong nakaraan kasi ay isang teacher lang natin 'yung pumayag, hindi ba?” “Oo.” Ibinalik ko na ang paningin ko sa harap ng stage. Ang mga grade 2 na ang nag-pra-practice ngayon. Katatapos lang noong mga grade 1 ngunit hindi namin naumpisahan iyon at patapos na noong dumating kami rito sa court. Nasa loob kasi ng malaking court ang stage. Nasa pinakadulo ang stage, habang kami naman ay nakaupo sa mga plastik na upuan na inihanda para sa program na gaganapin bukas. “Mapanonood ko na si Adriel, noong nakaraan kasi ay mga grade 6 lang ang napanood natin,” sambit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD