Kabanata Labing Siyam

2133 Words

“Ikaw, Jessa, wala ka bang bibilhin? Hindi mo ba kailangan ng pera?” Lumingon si lola Nita sa akin pagkatapos niyang ibigay ang hinihinging pera ni Adriel. Umiling naman ako at ngumiti. “May natira pa po akong pera rito, Lola. Kasiya pa naman po ito.” Tumango si lola at hinikayat kaming pumasok na sa eskuwelahan. Dumaan kasi kami sa kaniya para magpaalam. Sa tuwing gumigising kami ni Adriel para pumasok, wala na si lola Nita sa bahay dahil maaga siyang nagpupunta sa palengke para mag-ayos ng mga paninda. Kapag maaga kaming natatapos ni Adriel sa pag-aayos at paghahanda ay tinutulungan pa namin si lola na magtinda bago kami tuluyang pumasok sa paaralan. Minsan pa nga ay ayaw ni lola na tulungan namin siya dahil dapat daw ay nasa pag-aaral na ang isip namin at hindi sa pagtitinda, ngunit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD