Kabanata Labing Walo

1511 Words

Hindi matigil ang pagtulo ng mga luha mula sa aking mga mata. Halos hindi ko mabaligtad ang piniprito kong isda dahil panay ang pagpunas ko sa aking magkabilang pisngi na basang-basa dahil sa mga luha. Iyong iba nga ay natuyo na lang sa aking kanang pisngi. Bumuntonghininga ako. Kanina pa nakaalis sina tita Marivic at tito Edcel, at oras na rin ang lumipas simula noong nakita ko silang nasa loob ng kuwarto ni lola Nita ngunit hindi pa rin ako natitigil sa kaiiyak. Nag-angat ako ng tingin sa orasan na nakasabit sa itaas ng lalagyanan noong TV at nakitang maya-maya lang ay darating na sina lola Nita at Adriel, tapos ay hindi pa ako natatapos sa pagluluto at siguradong pulang-pula ang mga mata ko. Magtataka si lola! Minadali ko na ang pagprito ng tatlong isdang uulamin namin. Iyon na lang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD