Kabanata Labing Pito

1813 Words

Mas malaki ang bahay ni lola Nita kumpara sa bahay ni tatay. Ang sabi pa ni lola kanina ay maliit lang daw ang bahay niya, ngunit hindi naman totoo iyon dahil ang kuwarto kung nasaan kami ngayong dalawa ni Adriel ay ang pinagsamang kusina at sala namin doon sa bahay ni tatay. Tapos ay may dalawa pang pinto akong nakita kanina bago kami pumasok ni Adriel dito sa kuwarto naming dalawa. “Ate, ang laki ng bahay ni Lola!” manghang sambit ni Adriel at patakbong lumapit sa kama na mayroon dito sa loob ng kuwarto. “Tapos may kama pa! Ang akala ko ay hindi ako makahihiga sa ganito at habang buhay na sa banig lang!” Humiga siya roon sa kama pagkatapos na sabihin iyon. Tumango ako at mas lalong lumaki ang ngiti. Iyon din ang akala ko. Wala kasi kaming kama roon sa dati naming bahay, at kuntento na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD