Pagkaumagahan matapos naming mag-almusal. Maaga kaming umalis ni Troy para mamalengke. Kailangan kasi naming bumili para sa lulutuin namin at ihahanda mamayang hating gabi. Mukhang marami-rami nga itong lulutuin ni Tita, dahil ang haba ng listahan niya. Kami nalang yung nagprisinta ni Troy na bumili dahil para makatipid kami at makakuha ng sariwang gulay at mga karne. Alam niyo naman magaling kami tumawad ni Troy at magkilatis ng paninda. Lalo na si Troy, dahil mukhang inaral niya yata ang lahat ng klase ng pagkain. Pagkarating namin sa may bayan agad kaming bumili ng mga sangkap para sa lulutuin namin. Medyo siksikan nga eh dahil maraming taong bumibili na rin. " Lets go to wet market. Bibili tayo ng mga seafoods. " aya nito sa akin, pagkatapos naming bumili ng mga sangkap. Tumango nam

