Matapos naming ipasok lahat ng gamit namin at dalhin ito sa mga kwarto namin na talagang mukhang pinaghandaan nina Mr. Wilson. Sobrang linis eh, at lahat ng gamit ay nakaprepare na. Bali sa isang kwarto, kami nina ate at ng mga anak ko. At sa isang kwarto naman ay nandon din ang mga pamilya ni Troy. Nakakatuwa nga eh, dahil talagang may crib pa para sa baby nila. At hindi lang yun, talagang nagpalagay sila ng playground para sa mga bata. Nagpapahalata silang sabik na sabik sila sa mga bata. " Araay, ano ba! " inis na sigaw nito sa akin matapos ko siyang tapunan ng unan sa mukha. " Kung tulongan mo kaya ako dito Ate!? " sabi ko. Natigilan kasabay ng pagtigil niya sa pagtipa ng keyboard. Tumalikod ako bago ko pa makita yung nakakabwesit niyang reaksyon, saka pinagpatuloy yung pag-aayos ko

