Ilang araw ng hindi pumapasok si Boss simula nong pasko. Kaya ang mga co-workers ko ilang araw ding nag-sasaya dahil hindi namin nakikita ang masungit naming Boss. Pero kahit wala siya, ginagawa parin namin ng maayos ang trabaho namin. Dahil alam ko at alam naming lahat na pareho kaming lagot kay Boss kapag hindi namin ginagawa ng maayos ang trabaho namin. Mga araw na nagdaan, hindi ko narin isinasama ang mga anak ko sa trabaho ko. Mas gusto narin kasi nila sa bahay nalang para daw makapagtrabaho ako ng maayos. At isa pa, nandon naman daw ang Tita nila para alagaan at bantayan sila. Isa pang babaeng yun, wala yatang balak na umuwi sa kanila. Eh, ilang araw na siyang namamalagi sa bahay ko simula nong dumating siya. Hindi naman sa pinapaalis ko siya, kaya lang baka hanapin siya at ako yung

