Chapter 8

1548 Words
* Clouie POV * Napahilot nalang ako sa sesintibo ko habang nakatingin sa dalawang batang nasa harapan ko ngayon. Ang aga-aga pero pinapasakit ng dalawang to ang ulo ko dahil sa kalukohang ginawa nilang dalawa. Tumawag kasi sa akin yung Teacher nila at sinabi sa akin na may inaway daw ang mga anak ko na kaklase nila. Kaya pinapapunta ako ng Principal para kausapin. At doon nalaman ko na hindi lang pala isang beses lang nangyari ito, kung hindi maraming beses na. Hindi lang sinabi sa akin ng Principal dahil may kasalanan din naman yung mga batang nang-aaway sa kanila. Pero kanina talagang hindi na nila matiis yung mga pinagagawa ng mga anak ko. At ngayon halos magsiksikan sila sa isang tabi, dahil alam nilang papagalitan ko sila. " Magsiksikan nalang ba kayo dyan? Wala bang ni isa sa inyo ang mag-explain sa akin kung ano ang ginawa niyo? " seryusong sabi ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa at mukhang nagtutulakan pa kung sino ang magsasalita sa kanila. At sa bandang huli, mas pinili ni Henzo ang magsalita. " I-I'm sorry, Mommy. N-nagawa lang naman po kasi namin ang mga yun, d-dahil gusto lang naman po namin ipagtanggol ang sarili namin. " sabi nito sa akin na nakayuko pa. Napatingin naman ako sa anak kung babae na nakatingin din sa akin. " Baka may gusto ka ding sabihin sa akin Helliza. " sabi ko sa kanya. Tiningnan muna ako nito sandali saka lumapit sa akin at yumakap sa paa ko. " Waaahhh! Mommy sorry na! Sila kasi e nakakainis na. Lagi nila kaming inaaway dahil wala daw kaming Daddy. At isa pa po ang sama ng ugali nila. " sabi nito sa akin na umiiyak na. Saglit akong natigilan sa sinabi niya at saka napabuntong hininga nalang. Inalis ko yung kamay niya sa hita ko at inilayo siya ng kunti sa akin saka umupo para magkapantay kami. " Henzo, lumapit ka dito. " sabi ko na sinunod niya naman. Napatingin ako sa kanilang mga mukha at parehong pinunasan ang mga luha nilang dalawa. At saka ngumiti sa kanila para gumaan yung pakiramdam nila. " What I told you before? Diba sabi ko huwag makipag-away. At kung meron mang umaaway sa inyo, isumbong niyo kaagad sa Teacher niyo. Huwag yung kayo yung nakikipag-away sa kanila. " mahinahon kung sabi sa kanila. " I'm sorry Mom. But, I wont promise na hindi na ito mauulit. " seryusong sabi ni Henzo sa akin. " Me too, Mom. Dahil sabi mo hindi kami magpapaapi, maging matapang dapat kami. " sabat naman ni Helliza sa akin. Nagpabuntong hiningan nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Kilala ko ang ugali ng dalawang ito. Oo! Sinusunod nila ang lahat ng sinasabi ko, mabait at masunurin ang mga anak ko. Hindi naman sila mananakit kung hindi sila sinasaktan eh. Ayaw lang talaga nila sa mga taong sinasaktan sila at umaasta na kung sino. " Mommy. " " Hmm. " " Gusto ko pong makita si Daddy. Natural magpapasko na po, pwede po bang yun nalang ang gift niyo sa amin? " mahinang sabi ng babae kung anak. Napatingin ako sa kanya sandali sa rearview mirror. At saka nagfocus muli sa may kalsada, dahil baka mabangga pa kami. Ipinark ko muna yung sasakyan ko sa tabi bago ko sagutin yung tanong niya. At ng naipark kuna yung sasakyan ko. Bumaba ako at tumabi ng upo sa kanila sa backseat. Kinuha ko si Helliza at ikinandong sa paanan ko, saka siya deritsong tiningnan sa mata. " Talaga bang gusto niyong makita ang Daddy niyo? " pagsisiguradong tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango naman sa akin si Helliza. Pero napatingin ako kay Henzo na kanina pa tahimik sa isang tabi. " Ikaw Henzo, gusto mo rin bang makita ang Daddy niyo? " tanong ko sa kanya. Napatingin naman ito sa akin at kita ko yung lungkot sa mga mata niya. Dahilan para sumikip yung dibdib ko. " Opo sana Mommy. Kaya lang po, ayaw ko po kayong masaktan. " sabi nito na halata yung lungkot sa kanya at kagustuhan nitong makita ang Daddy nila. Masaya ako dahil inuuna ng mga anak ko ang nararamdaman ko. Pero nakakalungkot at masakit sa pakiradam na makitang malungkot ang mga anak mo. Lalo na at gusto ng mga ito na makita ang Daddy nila. Past is past na diba? Huwag na nating balikan ang mga masasakit na nangyari noon. Matagal na yun kaya dapat kung kalimutan ang bagay na yun para sa mga anak ko. At kung yun ang ikakasaya nila, gagawin ko para sa kanila. " Sinong nagsabi na masasaktan si Mommy? Diba sabi ko sa inyo, kung gusto niyong makita ang Daddy niyo, sabihin niyo lang sa akin. Dahil lahat gagawin ni Mommy para sa inyong dalawa. " nakangiting sabi ko sa kanila. " Talaga Mommy! Okay lang sayo na makita namin si Daddy? " masayang sabi ng anak kung babae. Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Dahilan para mas lalo pa itong sumaya. Napatingin naman ako kay Henzo na nakangiti ng nakatingin sa akin. " But Mommy, huwag po kayong mag-alala. Hindi po namin ibebreak yung promise namin ni Henzo sa inyo. " nakangiting sabi pa nito. Napatango nalang ako sa sinabi niya. Panong hindi ko makakalimutan yung promise nila e sila mismong gumawa ng kasunduan na yun. Hindi naman ako makakatanggi dahil sabi nila sa akin, parusa daw nila yun sa ama nila. Wala naman akong magawa kundi ang pumayag nalang. Dahil talagang kukulutin ka nila. Pagdating ko sa company dinala ko yung kambal sa cafeteria para doon sila maghintay sa akin hanggang sa makatapos ako ng work ko. Bago ko sila iniwan doon, binilhan ko muna sila ng pagkain at saka ibinilin sa mga nagbabantay doon. Masunurin naman ang mga anak ko kapag sinasabihin ko silang huwag makulit at maging behave lang habang nagtratrabaho ako. At naiintindihan naman nila ang bagay na yun. At isa pa, wala namang problema doon sa mga crew doon sa cafeteria. Mas gusto pa nga nila nandon yung mga anak ko dahil naaaliw sila sa mga ito. Pagkalabas ko ng elevator, napakunot ang noo ko ng makita ko si Laila na nasa labas ng office ng Boss namin habang pinupulot isa-isa ang mga papel na nagkalat sa sahig. " Tsk! Kahit kailan talaga ang lampa mo. " sabi ko habang tinutulongan siyang pulutin ang mga papel sa sahig. Napatingin ako sa kanya ng hindi siya nagreact sa sinabi ko. Minsan kasi lagi yang nagrereact kapag sinasabihan ko siya ng ganung bagay. Kaya parang naninibago ako ngayon. Natigilan ako ng pagtingin ko sa kanya ng makita kung tumutulo yung luha niya. At panay ang punas niya dito. Kaya kunot noo kung binitawan yung hawak kung papel at saka hinawakan yung mukha niya paharap sa akin. At doon nakita ko mismo yung namumula niyang mga mata. " Si Boss ba ang gumawa nito sayo? " seryuso at deriktang tanong ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin. At mukhang nagdadalawang isip pa siyang gumagot sa tanong ko. Pero kahit na hindi na siya magsalita, kitang-kita ko sa mga mata niya ang sagot. Kaya agad akong napatayo at papasok na sana sa office ni Boss ng biglang pinigilan ni Laila ang mga kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya. " Huwag mo ng ituloy please. " pagmamakaawa nitong sabi sa akin. Seryuso ko lang siyang tiningnan at inalis yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin saka pumasok sa loob ng office ni Boss. Agad naman siyang napatingin sa akin pagkapasok ko sa loob. At kita ko yung galit sa mukha niya. " Where is your manners, Ms. Santos? Ikaw na nga yung late! Ikaw pa ang may ganang mangbastos ngayon. " galit nitong sabi sa akin. Deritso at seryusong tiningnan ko siya sa mata na ikinanuot ng noo niya. " And you Mr. Wilson. Where is your manners ha! Hindi mo ba alam na mali ang ginawa mo sa kaibigan ko! Pwede mo naman siyang pagsalitaan at ibigay sa kanya yung mga files ng maayos. Hindi yung itatapon mo sa kanya at sigawan siya. " galit kung sabi sa kanya. Namamalikmata lang ba ako o talagang nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya na agad namang nawala at masama ako nitong tiningnan. " Give me some respect Ms. Santos! Tandaan mo, boss mo ako dito! " galit at pasigaw nitong sabi. " At tandaan niyo rin po na empleyado niyo kami dito. Kung wala kami baka bagsak na itong company niyo. At kung gusto niyong respituhin ko kayo. Respetuhin niyo rin kami! " seryusong sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako ng hindi na siya nagsalita pa at lalabas na sana sa office niya ng bigla akong napatigil sa sinabi niya. " Respeto? Baka sa mga co-workers mo, pwede pa. Pero sa mga taong manloloko at desperada, sila yung hindi dapat nererespeto. " sabi nito na kahit hindi ako humarap sa kanya. Alam kung nakangisi ito ngayon. Napakuyom yung kamao ko dala ng galit na nararamdaman ko ngayon. At isa pa, pinipigilan ko ang sarili ko na masuntok ang gago kung boss. Seryuso akong humarap sa kanya. " Talaga Boss?! Pero paalala lang, hindi mo pa ako kilala ng lubusan. " malamig at makahulugan kung sabi sa kanya saka tuluyan ng lumabas sa office niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD