" Mommy! " tawag sa akin ng anak kung babae.
" Yes baby. " nakangiting sabi ko sa kanya.
Napatingin ako sa ginagawa nila. At napangiti nalang ako ng makita kung ano-ano ang pinagagawa nila sa drawing book nila. Magaling magdrawing ang mga anak ko. Pero kapag tinatamad sila, hindi mo maiintindihan yung ginagawa nila. Tulad ngayon.
" Tapos na po ba ang duty niyo? " tanong nito sa akin.
" Bakit mo naman natanong, gusto niyo na bang umuwi? " tanong ko na ikinailing naman nila.
" Hindi naman po Mommy. Nagtataka lang kasi ako dahil nandito kayo. E, hindi pa naman po tapos yung work niyo. " sabi nito sa akin.
Napangiti nalang ako habang nakatingin ako sa kanya. Kasi naman, talagang ang cute ng mga anak ko. Kaya minsan ang sarap din nilang kurutin.
" Magtatanghalian si Mommy kaya siya nandito. " supladong sagot ng kambal niya.
Napatingin naman sa kanya si Claire sabay snob dito. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa.
" Anong gusto niyong kainin? " tanong ko sa kanila.
" Kahit ano nalang Mommy. "
" Hindi tayo makakabili ng kahit ano dito Clave. " sabi ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin na akala niya nagbibiro ako. Pero kapag seryuso ang boses ko, alam niya na ang ibig sabihin non.
" I'm sorry Mom, fried chicken nalang po tsaka kanin ang akin. " sabi nito.
Tumango nalang ako saka napatingin kay Claire.
" How about you Claire. "
" Same nalang din po kay Kuya, Mommy. " nakangiti nitong sabi.
Tumayo na ako at pumunta sa counter matapos kung kunin ang order nila. At tulad ng sabi nila nag-order ako ng tatlong fried chicken at tatlong kanin. Yun nalang din sa akin dahil parang wala akong ganang kumain ngayon ng ibang display nilang ulam. Nag-order narin ako ng water namin. Pagkatapos kung magbayad sa may counter, bumalik na ako sa kanila at inumpisahang kainin yung inorder ko. At syempre si Claire ang nag lead ng prayer.
" Ehem! Pwede ba akong makisalo sa inyo? "
Pareho kaming tatlo napatingin sa taong nagsalita sa harapan namin.
" Tito Hanz! " sabay at masayang sabi ng kambal pagkakita sa kanya.
Agad namang umalis sa upuan ang dalawa at lumapit sa kanya sabay yakap ng mga ito sa kanya.
" Tito Hanz, miss na miss na po kita! " sabi ni Claire sa kanya habang mahigpit na nakayakap dito.
" Hindi mo ba alam na nagtampo kami sayo Tito. Ilang araw kanang hindi nagpapakita sa amin. " nagtatampo namang sabi sa kanya ni Clave.
Ngumisi at nagkibit balikat lang ako ng mapatingin siya sa akin na alam kung gusto niyang despensahan ko siya sa mga anak ko.
" Kaya mo na yan. " sabi ko sa kanya at saka umiwas ng tingin at pinagpatuloy yung kinakain ko.
" Pagpasensyahan niyo na si Tito twins ha. Busy kasi yung schedule ni Tito at marami din kaming gig na pinuntahan kaya hindi nakakadalaw si Tito sa inyo. " sabi nito sa mga anak ko.
Napatingin ako sa kanila at napansin kung parehong sumama ang tingin nila kay Hanz na halatang hindi sila convince sa sinabi nito sa kanila.
" Kahit na Tito! Dapat nagparamdam ka man lang sa amin. " inis na sabi ni Claire sa kanya.
" Kahit tumawag o magvedio chat ka man lang sa amin. Wala! " inis ring sabi ni Clave sa kanya.
Nakangiwing nakatingin nalang si Hanz habang napakamot ito sa ulo niya. Halatang hindi niya alam ang isasagot niya dito.
" Twins, ubusin niyo muna yung pagkain niyo. Huwag niyo ng kulitin ang Tito niyo, dahil alam naman natin na magaling kumanta si Tito kay talagang busy ang life niya. " nakangiting sabi ko sa kanila.
Sandali nila tiningnan si Hanz saka sabay na ngumiti ang mga ito.
" Pero mas magaling kami ni Clave. Diba Tito? " nakangiting tanong sa kanya ni Claire.
" Oo naman. " sagot naman nito.
Bumalik na sila sa upuan nila at inubos yung pagkain nila. Si Hanz naman ay umupo sa tabi nila kaharap ko.
" So! Bakit nandito ka ngayon? " tanong ko sa kanya saka ininom yung tubig ko.
" Dinadalaw ko lang si Kuya dito. Kaya lang mukhang mainit yata ang ulo niya ngayon. Kaya pinuntahan nalang kita dito. " sabi nito.
Nakangiting sabi nito sa akin. Minsan talaga nagtataka ako kung saan nagmana ang ugali ng Kuya niya. Dahil sa kanilang pamilya, yung kuya niya lang yung nag-iibang ugali. Mabait naman si Hanz at yung Daddy at Mommy nila. Pero yung Kuya niya, parang binagsakan ng sama ng loob.
" Nag-away ba kayo ni Kuya kanina Ate? " tanong nito sa akin.
" Pinaiyak niya kasi yung kaibigan ko. Kaya ayun, medyo nagkasagutan kami kanina. " simpleng sabi ko sa kanya.
" I see. " sabi nito.
Nanatili muna ako saglit doon dahil breaktime ko pa naman. Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo na patuloy na nagkukulitan. Para ngang walang tao sa paligid nila at parang nasa bahay lang sila. Dahil kung makatawa sila parang sila lang yung tao dito. Pinagtitinginan tuloy kami dito ng mga co-workers ko. Lalo na si Hanz na kilalang anak ng nagmamay-ari dito. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila. Dahil noon palang alam na nilang ganito na talaga si Hanz sa mga anak ko habang nandito sila. Ewan ko nalang sa mga iniisip ng mga baguhan ngayon.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko ng tumunog ito. And speaking to our boss, siya ang tumawag ngayon.
" Yes Sir! May kailangan kayo? " agad kung tanong pagkasagot ko dito.
Inilayo ko yung phone ko sa tenga ko ng sumigaw na naman siya.
" Come to my office. Now! " sigaw nitong sabi, saka bigla akong binabaan.
Ano na naman ang problema ng lalakeng yun.
" Si kuya ang tumawag? " tanong nito sa akin.
Tumango lang ako sa kanya at binilin na siya muna ang bahala sa mga anak ko. At saka umalis para puntahan ang lagi kung galit na Boss.
Agad akong pumasok sa office niya pagkarating ko doon. At pansin kung nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa laptop niya.
" Bakit niyo ako tinawag Boss. " sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
" Bakit ang tagal mong dumating Ms. Santos? Sa tuwing kailangan kita lagi kang wala! " galit nitong sabi sa akin.
Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
" Bakit? Sa mga panahong kailangan kita. Nandyan kaba? "
" Mag sinasabi kaba Ms. Santos? " kunot noo nitong tanong sa akin.
Umayos ako ng tayo at tiningnan siya sa mata.
" Ang sabi ko po. Breaktime ko pa po kaya hindi ko pa oras para bumalik sa office. Pero tutal nandito naman ako, iutos niyo na kung ano ang gusto niyong ipagawa sa akin. " sabi ko sa kanya.
Sumama naman ang tingin nito sa akin na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko. At wala akong pakialam sa bagay na yun.
" Titigan niyo nalang ba ako ng ganyan Boss? " tanong ko sa kanya.
" Tsk! Forget it! " sabi nito sabay talikod.
What the! Matapos niyang tumawag at sigawan ako sa phone, yun lang ang sasabihin niya? Iniwan ko pa yung pagkain ko don at mga anak ko kay Hanz. Tapos sasabihin niya lang "forget it?" Tang*na! Hindi niya ba alam na nakakagago ang ginawa niya.