Chapter 10

1267 Words
Napapatawa nalang ako habang nakatingin sa dalawang anak ko na nagtatalo. Nandito kasi kami sa mall ngayon, at dahil day off ko naman. Pinasyal ko silang dalawa, dahil ilang araw din kaming walang bonding. Nabusy kasi ako sa work in the fast few days dahil maraming pinapagawa yung Boss niyo. At dahil day off ko ngayon, naisipan kung magbonding kaming tatlo. At mamimili narin kami ng christmass decore sa bahay. Malapit na ang pasko pero wala pa kaming decoration sa bahay. " Kuya, ano kaba! Bakit lagi mong ginagaya ang score ko?! " inis na sabi ni Claire sa kanya. " Tsk! Anong ginagaya ka dyan? Ikaw nga tong gumagaya ng score e. " sabi naman sa kanya ni Clave. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Paano ba naman kasi, hindi nila matalo-talo ang isat-isa dahil laging pareho yung score nila. Ang nilalaro kasi nila ay yung dance machine. At pareho silang magaling doon, at kanina pa sila naglalaro dito. Marami na ngang tumintingin sa kanila dahil sa kabebohan nilang dalawa. " Kids, tama na yan. Kailangan na nating mamili ng para sa christmas. " sabi ko sa kanila. Napatingin sa akin si Claire at halata sa mukha niya na gusto niya pa ng isang round. Umiling ako sa kanya dahil baka magabihan kami sa pag-uwi mamaya kapag pinagbigyan ko sila. At alam ko ang ugali ng dalawang to, hindi sila hihinto hanggat hindi nila natatalo ang isat-isa * Authors POV * Pagkatapos kumain nina Clouie at ng mga anak niya, pumunta na sila sa may department store para bumili ng pangdecorate nila para sa darating na christmas. Kunting christmas ball, christmas light at garland ang binili niya pang decor. Bumili narin siya ng mga ilang gamit para sa bahay nila. At maging mga damit ng mga anak niya ay bumili narin siya. Pagkatapos non, pinabaggage niya ito lahat at saka naman sila pumunta sa grocery para bumili ng stocks sa bahay nila. At doon na talaga nakukulitan si Cluoie sa mga anak niya. Dahil pagdating sa pagkain walang pili ang mga ito. At halos kunin na nila ang mga pagkain sa grocery store lalo na yung mga matatamis, katulad ng chocolate at pastries. At ang mas kinaiinisan pa ni Clouie ay ang yakult na kinuha ni Clave at nilagay ito sa cart. " Gusto niyo bang magkasakit na dalawa? " inis na sabi ni Clouie sa mga anak niya. Napatingin naman sa kanya ang dalawa na inosenteng nakangiting tumingin sa kanya. " Bawasan niyo yang pinalalagay niyo. " sabi niya pa sa mga ito. " But Mom- " Magpoprotesta pa sana si Claire ng hindi natuloy dahil tiningnan siya ng masama ng Mommy niya. Si Clave naman ay walang salitang binawasan ang mga nilagay niyang yakult at ibinalik ito sa pinagkuhanan niya kanina. Dahil alam niyang galit na ang Mommy nila at alam niya ring kalusugan nito ang inaalala ng Mommy niya. Kaya hindi na siya nagprotesta pa. At ganun din ang ginawa ni Claire na sumunod sa Kuya niya. Habang papunta sa pinagkuhanan ng tsokalate at yakult sina Clave at Claire. Nag-ikot-ikot naman si Clouie sa grocery store para maghanap ng mga dapat niya pang bilhin o kailangan nila sa bahay. Pero sa kabilang banda ilalagay na sana nina Claire at Clave ang kanilang kinuha ng pareho silang magkatinginan na dalawa ng may mahagip ang kanilang mga mata. Napatingin muna sila sa pwesto ng kanilang ina. At ng makitang wala ito doon, pareho silang nakangiting tumango na para bang pareho ang takbo ng kanilang utak. Inilagay nila yung mga bitbit nila at sinundan yung taong nakita nila. Pareho silang tumakbo para maabutan lang yung taong nakita nila. At ng maabutan nila iyun, bigla silang huminto sa harapan nito dahilan para mapahinto din ito at halata sa mukha ng taong ito yung gulat at pagtataka habang nakatingin sa dalawang batang nasa harapan niya na nakangiting nakatingin sa kanya " Kilala niyo ba sila Sir? " tanong ng staff niya sa kanya. Umiling lang sa kanya ang Sir niya habang nakatingin parin sa dalawang batang nasa harapan niya. " Hello po! Ako po pala si Claire at itong naman po si Kuya Clave. Nice to meet you po. " masigla at masayang sabi ni Claire sa taong nasa harapan nila ngayon. " Wait Kids. Magkakilala ba tayo? " nagtatakang tanong sa kanila ng taong nasa harapan nila. " Hindi po! Pero kilala po namin kayo. " seryusong sabi ni Clave sa kanya. Napakunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ni Clave sa kanya. At halatang napapaisip ito. Si Clave naman ay parang gusto niyang batukan ang sarili niya dahil sa sinabi niya. Mabuti nalang nandyan ang kapatid niya para sagipin siya. " Diba po, nagpeperform po kayo noon? Lagi po namin kayo nakikita sa TV. At talagang idol po namin kayo dahil sobrang galing niyo pong sumayaw. " madaldal na sabi ni Claire sa kanya. Napapangiti at napapailing nalang yung lalake sa kakadaldalan ni Claire. Habang si Clave ay nakahinga ng maluwag, at salamat sa kapatid niya. " Sir kaila- " hindi na natuloy ang sasabihan ng staff niya ng pinigalan niya ito. Umupo sa harapan nila ang taong yun para magkapantay silang tatlo. At makita ng dalawang bata ng malapitan ang mukha ng lalake. " Nasaan ba ang mga magulang niyo? Bakit kayo lang dalawa ang nandito? " mahinahon niyang tanong sa dalawang bata. " Kasama po namin si Mommy. Talagang hinabol lang po namin kayo para magpa-autograph, pwede po ba? " cute na tanong sa kanya ni Claire. " Autograph? Wala tayong dalang ballpen tsaka papel, Claire! " sabi ni Clave sa kakambal niya. Napaisip naman si Claire. At ng malaman niyang tama ang Kuya niya. Napapakamot at nakangiting tumingin siya sa lalakeng nasa harapan niya. " Hehehe, pwede po bang kiss nalang po?! " napapakamot na tanong ni Claire sa lalake. Hindi alam ng taong yun kung ano ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya lang maagan ang loob niya sa dalawang batang nasa harapan niya ngayon. At nasisiyahan siya sa mga ito. " Come here. " sabi niya sa dalawa Nagkatinginan naman sina Claire at Clave saka ngumiti at lumapit doon sa lalakeng nasa harapan nila. At pagkalapit nila, isa-isa silang binigyan ng halik sa noo na mas lalong kinalapad ng ngiti nila. " I'm happy to see you po. " nakangiting sabi ni Clave sa kanya. " Thank you po. " sabi naman ni Claire sa kanya. Binigyan siya ng isang halik ni Claire na ikinagulat niya. Pero di kalaunan ay ikinangiti niya narin. Nagpaalam na sa kanya ang dalawang bata dahil sigurado sila na hinahanap na sila ng Mommy nila. " Clave! Claire! Saan ba kayo nagpunta! Kanina ko pa kayo hinahanap ha. " galit na sabi ni Clouie ng makita niya ang dalawang anak niya na agad niya namang nilapitan at niyakap. " Hindi niyo ba alam na pinag-alala niyo ako. " sabi ni Clouie sa kanila na halos maiyak na dahil sa sobrang pag-alala niya sa dalawang anak niya. " I'm sorry Mom. " sabay na sabi ng dalawa sa kanya. Huminga ng malalim si Clouie at niyakap ulit ang mga anak saka ito hinalikan at tiningnan ng deritso sa mata. " Ayoko ko ng maulit to ha. " sabi niya sa dalawa na sabay-sabay namang tumango. Pumunta na sila sa may counter at binayaran lahat ng kinuha nila. At pagkatapos non kinuha na nila yung gamit nila sa baggage at umuwi na ng bahay para makapagpahinga na silang tatlo. Pero ang ngiti ng dalawamg bata ay hindi mawala-wala dahil sa nangyari sa kanila ngayong araw na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD