* Clouie POV * Inis kung itinapon yung bag sa loob ng sasakyan saka pumasok sa driver set. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Ang dami-dami kung ginawa pero bigla nalang ako uutusan. Sa dami-dami ng uutusan, bakit ako pa? Bakit ako pa ang kailangan magsundo sa kung sino man yung importanteng bisita niya? Pwede naman utusan niya yung driver niya. O di kaya siya nalang ang magsundo, tutal bisita niya naman yun. Kailangan ko pang iwan yung mga anak ko don para masunod yung utos niya. Sinama ko kasi yung mga anak ko sa company na pinagtratrabahuan ko. Dahil wala silang pasok ngayon at wala ding magbabantay sa kanila sa bahay. Kaya kailangan ko silang isabay sa trabaho ko. Araw-araw na nga sila doon e. At mabuti nalang hindi sila makukulit, kaya wala akong problema kung iwanan ko muna sil

