Inis kung inilapag yung dala kung pagkain sa mesa sa harap ni Laila na kinagulat niya.
" Ano ka ba naman Clouie! Magdahan-dahan ka nga! " sabi nito.
Hindi ko siya pinansin, sa halip umupo ako sa harapan niya. At saka inumpisahang kinain yung inorder ko dito sa may canteen.
" Oi! May problema kaba? Baka mabilaukan ka dyan sa ginagawa mo. " nag-alalang sabi ni Laila sa akin.
Nilunok ko yung laman ng bibig ko saka uminom ng tubig at tumingin sa kanya.
" Gusto mo bang sumama sa akin? " seryusong tanong ko sa kanya.
" Ha? Saan? " kunot noo nitong sabi.
" Ipapasalvage natin si Boss. " seryusong sabi ko sa kanya.
Halatang pagkagulat sa mukha niya sa sinabi ko. At magtatangka pa sana itong batukan ako kung hindi lang ako nakaiwas.
" Gaga ka talaga! Ano na naman bang kademonyuhan ang pumasok dyan sa isip mo!? " sabi nito.
Umayos ako ng upo at kinwento sa kanya kung ano-ano ang pinapagawa sa akin ng Boss namin. Kung ano-ano nalang ang pinag-uutos nito sa akin. Hindi pa nga ako tapos sa pinapagawa niya sa akin sa isa, may iuutos na naman siya. At ang nakakainis pa, wala namang patutunguhan ang mga inuutos niya sa ako.
" May galit ba sayo si Sir Henry? Grabe naman yata siya sayo. "
Kung alam lang nito na malaki ang galit nito sa akin. At ang gago hanggang ngayon hindi parin nakamove on.
Ilang araw ng nagtratrabaho si Boss Henry sa company nila. At simula nong pinalitan niya sa pwesto ang papa niya. Marami ng nangyari, naging busy ang lahat ng mga employees at talagang wala kang makikitang nagchichismisan sa may lobby. Para kasing biglang pinalitan ng monster ang Angel. Kaya lahat ng employees takot sa kanya. Para kasi itong leon kung magalit na talagang nakakabingi yung sigaw niya.
At hindi lang yun, ilang araw naring naging busy ang life ko dahil sa kanya. Parang hindi na nga ako nakapahinga ng maayos at parang nawalan narin ako ng oras sa mga anak ko. Hindi kagaya ng dati na nagagawa ko pang puntahan sila para sabay na kaming mag lunch. Pero ngayon hindi ko na magawa. At isa pa, halos hindi kuna sila maihatid sa school nila dahil kailangan mauna akong dumating sa Boss namin sa company. Hindi ko nga alam kung ano ang trip ng isang yun.
" Nandyan na si Boss? " tanong ko sa isa sa mga co-employees ko.
" Yes! Kanina pa nga mainit ang ulo non. " sabi nito sa akin.
Agad naman akong napalunok, dahil sigurado akong makakatikim na naman ako nito ng galit niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng office niya. Hindi naman sa takot ako, kaya lang nakakaireta yung sigaw niya eh na para bang ang layo-layo ng kausap niya.
" Binabayaran kayo dito para gawin ng maayos ang trabaho niyo! Pero anong ginawa niyo? Simpleng trabaho lang, hindi niyo pa magawa! " rinig kung sigaw nito pagkapasok ko sa office niya.
Kita ko yung isang employees na pinapagalitan niya na kung hindi ako nagkakamali. Gusto na itong tumakbo papalabas ng office.
Napatingin naman sa akin si Boss at talagang pinipigilan ko ang sarili ko na pagtaasan siya ng kilay dahil baka mas lalo pa itong magalit. Kawawa naman itong katrabaho ko.
" Get out! " sabi nito.
" But Sir- "
" I said get out! " napapikut ako ng marinig ko ang malakas nitong sigaw.
Nagmamadali naman itong lumabas. Kaya ang ending ako nalang ang naiwan sa loob at kaharap ko ang monster na ito.
" And you, Ms. Santos. Why are you late? " tanong nito sa akin.
" May hinatid pa kasi ako sa school Boss. " sabi ko sa kanya.
Kunot noo naman ako nitong tiningnan at hindi na nagtanong pa muli. Bumalik ito sa may swivel chair at hinarap nito ang laptop niya.
" Maghanda ka, may meeting tayong pupuntahan. " sabi nito.
Tumango lang ako sa kanya at lumabas na sa office niya. Pumunta naman ako sa desk ko at inayos yung dapat kung dalhin. At wala pang five minute ay umalis na kami. At laking pasasalamat ko na may driver kaming kasama. Boring kasi kapag kami lang dalawa sa loob ng sasakya .
Sa may front seat ako umupo katabi ng driver. Habang siya ay nasa likuran namin at busy sa phone niya. Sa buong byahe namin, doon ko sinabi sa kanya kung ano ang appointment niya ngayong araw. At alam kung nagsasayang lang ako ng laway dahil halatang hindi siya nakikinig sa akin. Kaya pagkatapos non, nakipagkwentohan nalang ako kay manong driver sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.
Nakarating kami sa isang restaurant na hindi ko alam kung alam ba ng lalakeng to kung sino ang nagmamay-ari ng restaurant na pinuntahan namin ngayon. O sadyang hindi niya lang talaga inalam.
" Good morning Sir. Good morning Ms. Clouie. Welcome to Luckys' restaurant. " nakangiting bati sa amin ng crew ng makapasok kami.
Nagkibit balikat lang ako ng mapatingin siya sa akin na nakakunot ang noo.
Ngumiti lang ako sa crew at saka sumunod na kay Boss hanggang sa makarating kami sa kameeting niya.
" Mr. Bien. " pag-agaw pansin niya dito.
Humarap ito saka tumayo ng makita niya kami.
" Mr. Wilson. " nakangiti nitong sabi at nakipagshake hands dito saka tumingin sa akin.
" Who is she? " nakangiting tanong nito.
Lumapit ako para makipagkilala sa kanya.
" Hi! Mr. Bien. I'm Clouie po, secretary ni Mr. Wilson. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" Kung alam ko lang na may maganda palang secretary si Mr. Wilson. Edi sana noon palang nakipagset na ako ng meeting sa kanya. " biro nitong sabi sa akin.
Napatawa nalang ako para hindi mapahiya ang matandang ito. Dahil sa mga ganyang mga style ni Mr. Bien. Alam na alam kuna kung ano ang iniisip niya. At hindi niya ako mauuto sa mga ganyang simpleng salita lamang.
" Ms. Santos. " pagtawag sa akin ni Boss.
" Yes Sir. "
" Mag-order ka ng makakain namin. " malamig nitong sabi.
Sinama niya lang ba ako dito para mag-order ng pagkain nila? May nga waitress naman dito, kaya bakit hindi nalang sila ang mag-order para malaman nila kung ano ang gusto nilang kainin. Akala ko kasi, kami yung dalawa ang haharap kay Mr. Bien, kaya niya ako pinasama dito. Secretary niya ako, at isusulat ko dapat yung mahalagang bagay na pag-uusapan nilang dalawa. Kaya nagtataka tuloy ako kung bakit kailangan kung ako pa yung mag-order sa counter kung pwede namang tumawag nalang kami ng waitress.
" Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Ms. Santos. " mukhang galit na nitong sabi.
" I'm sorry, Boss. " sabi ko at umalis na harapan nila para mag-order ng pagkain nilang dalawa.
Pumunta ako doon sa may counter saka umupo at nag-order ng pagkain nilang dalawa. At ang talagang inorder ko ay yung mahal at syempre ang best seller nila dito. Pagkatapos kung mag-order, nanatili muna akong nakaupo doon dahil mukhang hindi naman ako kailangan doon ni Boss. Wala namang problema kung makikiupo ako sa may counter dahil kilala naman nila ako dito. At sanay na sila sa akin, lalo na sa dalawa kung anak.
Napataas ang isang kilay ko ng mapatingin ako sa kanila at sakto namang nakatingin din si Boss sa akin. Pero matalim yung tingin niya at nakakunot pa ang noo niya. Hindi naman siguro halata na malaki ang galit niya sa akin diba?
" Hi! Ma'am Clouie. "
Umiwas ako ng tingin sa kanya ng marinig ko ang boses ng isang crew dito.
" Hi! Si Troy, nandito ba? " tanong ko sa kanya.
" Wala po Ma'am e. Sinamahan niya po kasi yung asawa niya para magpacheck-up. " sabi nito.
5 years na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang pagmamahal ni Troy kay Lucy. Mas lalo pa nga itong nagdagdagan nong mag-asawa at magkaanak silang dalawa. Napakaswerte ni Lucy sa kaibigan ko, dahil talagang alagang-alaga siya nito. At saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa.
Nang mapansin kung mukhang tapos na ang pag-uusap nilang dalawa na siya namang saktong pagdating ng foods nila. Lumapit na ako sa kanila.
" May kailangan ba kayong ipagawa sa akin Boss? " tanong ko sa kanya.
" None. " sabi nito.
Kaya napatingin naman ako kay Mr. Bien.
" How about you Mr. Bien? " tanong ko sa kanya.
" Wala Ms. Clouie. Besides aalis din naman ako. " nakangiti nitong sabi.
" Bakit hindi muna kayo kakain bago kayo umalis Mr. Bien. " sabi ko sa kanya.
" Thank you, Ms. Clouie. But, kailangan ko ng umalis ngayon dahil may aasikasuhin pa ako. " nakangiti nitong sabi.
Nagpaalam ng aalis si Mr. Bien sa amin. Ako naman ay nakatingin sa inorder kung pagkain.
" Kung nasasayangam ka. Ikaw ng kumain. " sabi nito sa akin.
" Hindi ako kumakain ng hipon, Boss. " malamig kung sabi sa kanya.
Kinuha ko yung iniwang pagkain ni Mr. Bien at saka pinabalot sa may counter. Ibibigay ko nalang ito kay Manong driver. Baka kasi nagutom na yun sa kakahintay sa amin. At sayang itong pagkain kung itatapon lang diba.