Chapter 6

1273 Words
Napapikit ako at napasandal sa sandalan ng inuupuan ko ng maramdaman kung sumakit yung ulo ko. Sa matagal kung pagtratrabaho, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam. Lalo sa sobrang pagod. " Ano ba ang pinagkakaabalahan mo at mukhang pagod na pagod ka? " tanong ni Troy ng makaupo sa tabi ko. " Medyo masakit lang yung ulo ko. " sabi ko sa kanya na hindi parin umaalis sa pwesto ko. Kunting pahinga lang ang kailangan ko, magiging okay na ako. " Magsabi ka nga sa akin Clouie. Pinapahinga ka pa ba ng boss sa trabahong yan. " seryuso nitong tanong sa akin. Halatang pinipigilan nitong mainis. Dahil kapag nainis yan, asahan mong lalabas ang pagiging Kuya niya at pagiging overprotective nito sa akin. At alam ko naman kung bakit, dahil gusto niya lang makasigurado na okay lang ako. Umayos ako ng upo kasabay ng pagdilat ko saka tumingin sa mga anak ko na naglalaro kasama si Lucky at yung iba pang bisitang mga bata. Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Troy, dahil birthday ngayon ng anak niya. Wala nga sana akong balak pumunta dahil balak ko talagang magpahinga muna. Kaya lang baka magtampo sa akin ang mga anak ko, lalo na yung inaanak. " Kaya ko pa naman Troy. Kunting pahinga lang mawawala din ito. " sabi ko sa kanya. Tiningnan ako nito ng masama, pero sa huli siya din ang sumuko. " Ang sarap mo talagang batukan dahil sa katigasan ng ulo mo. " talagang inis na nitong sabi. Napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Talaga kasing kitang-kita sa mukha niya na naiinis siya. " By the way, nagkita na ba kayong dalawa? " seryusong tanong nito sa akin. " Hindi lang nagkita. Talagang araw-araw kaming nagkikitang dalawa. " nakangising sabi ko. Gulat naman siyang napatingin sa akin at kita ko yung pag-alala sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. " Don't worry, Troy. I'm okay. Sa limang taong lumipas nakakaya kung ihandle ang sarili ko. " sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya at tumayo sa inuupuan niya. " Magsasabi ka lang kung ipabugbog mo ang gagong yun. Ako mismo ang gagawa sa kanya. " sabi nito at umalis sa harapan ko para puntaham niya ang asawa niya. Kung gusto kung gawin yun, matagal ko ng ginawa simula palang pagtungtong niya dito sa bansa. Matapos ang birthday ni Lucky at ng magsiuwian na yung mga bisita. Tumulong ako sa pagliligpit ng mga gamit kay Lucy. Habang si Troy ay nililinisan na yung mga bata, bali siya yung nag-aasikaso ngayon sa tatlong bata. " Magpahinga kana Clou. Kami na ang tumapos nito. " sabi sa akin ni Lucy. " Sa ating dalawa, ikaw dapat ang magpahinga Lucy. Kaninang umaga ka pa nag-aasikaso sa birthday ng anak mo. Buntis ka pa naman. " sabi ko sa kanya. " But- " " Sige na, pumasok kana sa loob para makapagpahinga kana. Kami na ang tatapos dito. " nakangiting sabi ko sa kanya. Magrereklamo pa sana siya ng hindi natuloy dahil tiningnan ko siya ng masama. Doon lang siya nagpaalam sa amin na mauuna na siya. Hindi lang naman ako mag-isang maglilinis dito eh, may mga katulong din naman akong kasama para magligpit. Matapos naming magligpit at iayos yung mga gamit, pinuntahan ko yung mga anak ko na natutulog na. At talagang sobrang himbing ng tulog nilang dalawa. Dulot narin siguro sa sobrang paglalaro nila. Itong kambal ko, talagang mga angel sila para sa akin. Dahil simula nong dumating sila sa buhay ko. Binigyan na ng saya ang malungkot kung buhay noon. Kaya talagang gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang sila at maibigay ko yung mga kailangan nila. Inayos ko muna yung kumot nilang dalawa bago ako lumabas ng kwarto nila. " Hindi kapa ba matutulog? " tamong sa akin ni Troy at tumabi ng upo sa akin. Inabot ko sa kanya yung isang boteng alak na dala ko na agad niya namang tinanggihan. " Iwas muna ako dyan, Clou. Baka dito ako sa labas matutulog mamaya kapag amoy alak ako. " sabi nito. " Tsk! Sabihin mo takot ka lang sa kanya. " pang-aasar ko. " Hindi ako takot no. Sadyang mahal ko lang talaga si Lucy. " nakangiting sabi nito. At talagang kitang-kita sa mga mata niya ang pagmamahal niya para sa asawa niya. Kaya talagang masasabi kung napakaswerte ni Lucy sa kaibigan ko. Napangiti nalang ako saka tumingala at tumingin sa mga bituing nagkikislapan sa langit. Ang ganda nilang pagmasdan lahat. " Parang bigla ka yatang tumahimik dyan. May problema kaba? " tanong nito sa akin. Malungkot akong tumingin sa kanya, kasabay non ang pagngiti ko ng pilit. " Namimiss ba nila ako Troy. Hinanap ba nila ako? Nag-alala din ba sila sa akin? " malungkot at sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Kita ko yung gulat sa mukha niya na mukhang hindi niya yata inaasahan na itatanong ko pa iyon. Kasunod non ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wala ni kahit isang salitang lumabas sa bibig niya. Sa halip pinunasan lang nito ang luha ko saka ako niyakap ng mahigpit. Tulad noon, nandon parin ang pakiramdam na lagi niyang pinaparamdam sa akin na kahit anong mangyari. Nandyan lang siya at ang pamilya niya sa tabi ko na handa akong tulongan sa kahit ano mang oras. Lalo na kapag kailangan ko sila. ***** Matapos kung ihatid ang mga anak ko agad akong dumiretso sa company. Dahil baka makakatikim na naman ako ng sigaw kapag nalate ako. Mabuti sana kung yung ama niya pa ang nagmamanage doon, eh okay lang na malate ako dahil maiintindihan niya naman. Pero yung anak niya? Asa kang maiintindin ka non. Parang sinaniban nga yun ng demonyon. At laking pasasalamat kung ako ang nauna kay boss na dumating. Kaya habang naghihintay ako sa kanya, inayos ko yung mga schedule ngayong araw. Nag-encode na rin ako. Tinarabaho yung mga pinapatrabaho niya sa akin. At pagkadating niya, agad naman siyang nagpatawag ng meeting sa lahat ng department. Syempre kasama ako dahil isusulat ko yung importanteng pag-uusapan nila. Nakinig at nagsusulat lang ako doon. At dahil sa dami ng idiniscuss niya. Natapos ang meeting ng saktong 12:00 noon ng hapon. Inayos ko naman yung mga gamit pag-kaalis ng mga kameeting niya. Kaya sa malamang na sa malamang. Kami nalang yung dalawang naiwan sa loob ng conference room. Nakakailang man, pero kailangan kung makibagay para sa mga anak ko. Busy ako sa pag-aayos ng gamit ng bigla niya akong tawagin. " Ms. Santos. " Napatingin ako sa kanya ng tawagin niya ako. At tulad ng unang pagkikita namin, nasa mukha niya parin yung galit habang nakatingin sa akin. " Yes Boss. " simpleng sabi ko. " After that, mag-order ka ng lunch. " sabi nito sa akin, saka tumayo at nauna ng lumabas sa conference room. Tinapos ko na yung pag-aayos ko. At tulad ng sinabi niya nag-order na ako ng lunch para sa kanya. Dahil mukhang wala yata siyang balak umalis para doon sa labas kumain. Pagkadating ng inorder ko, agad ko naman itong ibinigay sa kanya. Lalabas na sana ako sa office niya ng pagkabigay ko sa kanya ng lunch ng mapahinto ako dahil sa sinabi niya. " Masyado mo ba talaga akong nagustuhan kaya hanggang ngayon hindi mo parin nakalimutan kung ano ang gusto ko. " rinig kung sabi nito. Kahit hindi ako lumingon, alam kung nakangisi ang gagong to. " Think what you think Boss. Pero sadyang yan lang talaga ang available nila ngayon. Kaya no choices ako kundi orderin yan. " sabi ko at lumabas na office niya. Huwag siyang felingero dahil baka yan ang ikamamatay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD