Nang magising si Abby ay si Nica ang nabungaran niya. Natutulog ito habang nakaupo at nakapatong ang ulo sa kama niya. Hawak rin nito ang isang kamay niya at alam niyang alang-alala ito sa kanya. Pero sa kabila ng lahat ay nagtataka siya kung bakit hindi iyon ang silid nila ni Jacob. May suwero din na nakakabit sa kamay niya at makirot iyon kaya napangiwi siya. "Nasa'n ako?" bulong niya at dahan-dahang gumalaw kaya nagising rin si Nica. "Abby, gising ka na. Salamat sa diyos," wika nito na bakas sa mga mata ang labis na pag-alala. "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo? Nagugutom ka ba?" natataranta pa nitong tanong. "Ayos lang ako, Nica. Bakit nandito ako sa ospital? Anong nangyari sa 'kin?" takang tanong niya. "Wala ka bang naaalala?" tanong naman ni Nica. Napaisip si Abb

