"Welcome back, Attorney," masayang bungad ni Star kay Abby nang pumasok na siya sa opisina nila. Mahigit isang linggo ring hindi nakapasok si Abby dahil sa nangyari sa kanya. "Thank you, Star," nakangiti namang sagot ni Abby at agad na dumiretso sa table niya. Hinubad niya rin ang suot niyang black jacket na manipis at sinampay sa swivel chair. Ngunit natigilan siya nang makita niya ang larawan nilang mag-asawa sa likod ng upuan na nakapatong sa istante. Agad ring gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha mula rito. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame nila at tinitigan. Naroon pa ang napakaganda niyang ngiti habang nakahalik sa pisngi niya ang asawa. "Jacob. . ." Hinimas niya ang litrato ng asawa na may lungkot sa mga mata. Hanggang sa

