Hinawakan ng lalaking bigla na lamang dumating ang palapulsuhan ni Abby at pinulsuhan. Pagkatapos ay ang pulso naman ni Abby sa leeg ang dinama niya. "Kumusta siya, Dok?" tanong ng isang babae na nakikiusyoso. "Kawawa naman siya," dagdag pa nito. "Mukhang nag-colapse siya. Mahina rin ang t***k ng pulso niya," sagot naman ng Doktor na lalaki. "Mukhang kailangan ko siyang dalhin sa ospital!" natatarantang usal pa nito. At pagkatapos ay dali-dali nitong binuhat si Abby at agad na isinakay sa kanyang sasakyan. Mabuti na lang at nasa malapit lang ang kanyang sasakyan kaya mabilis nitong naipasok si Abby sa loob. Inayos nitong mabuti ang pagkakaupo ni Abby sa tabi ng driver set at ikinabit ang seatbelt. Matapos iyon ay dali-dali na itong umikot papunta sa driver seat at agad na sumakay. Bakas

