Hindi alam ni Jacob kung saang ospital dinala ang asawa. Kaya naman ay inisa-isa niyang pasukin ang pinakamalapit na ospital sa lugar. Subalit nakakatatlo na siyang ospital na pinuntahan ngunit wala raw Abbygail Bustamante na dinala roon. Nakalimutan niya ring itanong sa mga tao kanina sa club kung may nakakakilala sa nagdala kay Abby kaya wala tuloy siyang idea ngayon. "Saan ba ka dinala ng tao na iyon, Abby?" bulong niya sa sarili habang tuloy-tuloy pa rin sa pagmamaneho. Panay rin ang tingin niya sa paligid dahil baka may ospital pa siyang makita na malapit. Ngunit umabot na siya ng ilang minuto sa daan ay wala pa rin siyang ospital na nakikita. Napapalayo na rin siya sa lugar na pinanggalingan niya. Nag-aalala na rin siya na baka masamang tao pala ang nagdala kay Abby at hindi talaga

