“Wake up, sleepy head.” Dama niya ang pagdampi ng magagaang mga halik sa exposed niyang balikat. Bawat paglapat ng mga labi ay kasamang nabubuhay ang kilabot sa kanyang ugat. Gusto na niyang magdilat pero inaantok pa rin siya. Humilata sa kama buong araw, ‘yon lang ang gusto niyang gawin muna. Pinagod na naman kasi siya ng manyakis na lalaking ito. Katunayan, hubo’t-hubad pa rin siya sa ilalim ng kumot. Ewan niya lang kung nakabihis na ba ang isang ito. Basta ang sabi nito kagabi, huwag na silang magdamit pa. Kukumutan naman daw siya ng mga yakap. Manyakis nga! “Hey.” Nakikiliti siya sa kaaya-aya nitong bedroom voice at sa pagkagat-kagat na ginawa nito sa dulo ng kanyang tainga. “Antok pa ako, eh.” Siniko niya ito ngunit tumawa lang. Paano ba naman niya matitinag ang matigas nitong kat

