CHAPTER 48 Sa sobrang gwapo ng pagmumukha ni Jemuel ay kahit galing sa ibang bansa ay halos maglaway na sa kanya. I can clearly see how they stare towards Jemuel. Nahuhuli ko pa sila minsan na tumitingin sa kanya. Ngumingiti pa ito sa akin kapag nahuhuli ko sila. Akala siguro nila masaya ako. Dukutin ko ‘yang mga mata n’yo! Naunang dumating ang order nila kaysa sa amin dahil mas nauna silang dumating. Nang magsimula na silang kumain ay mas lalo pa silang humarot. Ang lakas na ng mga tawa nila na napapatingin na ang ibang customer sa kanila. Wala namang pakialam si Jemuel at parang wala itong naririnig. Nakahawak ba naman sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Pinaglalaruan niya ang aking mga daliri. Kumindat ako sa kanya at tinuro ko ang mga babae sa kanyang likuran. Kumunot l

