CHAPTER 47 Namamalikmata lang ba ako? Napatigil ako sa aking paglalakad at tiningnan ang direksiyon kung saan ko nakita ang isang tao kanina. Wala na ‘yon doon. Nakatayo siya kanina sa tabi ng isang matanda at nakatitig sa amin. Ngunit ngayon ang tanging naiwan lamang ay ang isang matanda na lang at namimili iyon ng pagkain. Kanina dalawa silang nakatayo doon. “What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Jemuel sa akin dahil napatigil ako. Umiling lang ako. Namamalikmata lang siguro ako. Dahil lang ‘to sa gutom kaya kung ano- ano na lamang ang nakikita ko. Guni- guni ko lamang ang nakita ko. Imposible naman yata iyon. But everything. . . hindi, hindi, imposible iyon. “Wala, tara na.” binalewala ko na lamang ang aking nakita. Namamalikmata lang ako kaya ko iyon nakita. Nang makarating na kami

