Chapter 4

2356 Words
Ito na nga ang kinakatakutan ko. Nagsimula na ang araw ng parusa ko at katakot-takot na sermon ang inabot ko kay August ng dumating ako sa tapat ng unit niya ng 30 minutes late. "f**k, bakit ba ang tagal mo?" Inip niyang sabi ng pagbuksan niya ako. Magulo pa ang buhok niya at kakagising lang niya yata. He called me earlier than what I'm expecting at sinadya kong bagalan ang kilos para mairita lalo siya. "Traffic kaya." Pangangatwiran ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Traffic? It's just 5am and dinadahilan mo traffic, Kleya?" Kalma ka lang August. Highblood ka agad, agang-aga eh. "You're doing this on purpose, aren't you?" Oo. May angal ka? "Hindi no! Kasi nung tumawag ka, natulog pa ako ng 15 minutes more kasi 3 hours lang tulog ko eh.." Pagdadahilan ko. Napailing siya. Pumasok na ako sa unit niya at nakita kong malinis naman. Ano kayang ipapagawa niya ngayon? He laughed. Alam ko ang ibig sabihin ng tawang iyon. Iyong tawang hindi makapaniwala. "Nababaliw ka na talaga ano?" He said. Nilingon ko siya. Crossing his arms, nakataas ang kilay niya sa akin pagtingin ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo. Bwisit na mata 'to. Pwede sanang maamo ang mukha niya kaso hindi ko maintindihan kung bakit iritable siya pag nakikita ako? Alam ko na iyon dati pa pero ang lala niya pagdating sa akin. "So anong gagawin ko?" Pag-iiba ko ng usapan. He just rolled his eyes bago nagsalita. "Ipagluto mo ako." He ordered? Ako? Magluluto? E nanay ko nga ang nagluluto para sa akin eh? "Teka.. Kasi August.. I mean, Sir-- "Now. I'm taking a bath." Masungit niyang sabi. Ano bang ginawa mo sa past life mo at ganito ang buhay na meron ka, Kleya? Wala naman akong ginawang masama. Hindi naman ako killer. Hindi ako kidnapper pero bakit? Ayaw na ayaw ko pa naman na gawaing bahay ang magluto. And so ginawa ko ang utos niya ng labag sa loob. I tried doing sunny side up eggs pero nababasag iyong pula ng itlog. Medyo nasunog din ang bacon. Ang medyo maayos lamang ay iyong hotdog. Samantalang ang breakfast lang na ginagawa ko tuwing umaga ay pandesal at saka vegetable salad kasi nga ayaw kong magluto tapos siya, ipinagluluto ko? Napatungo ako sa pagkalumo. Kailangan ko na talagang magtake ng cooking lessons. Kawawa ang magiging asawa at anak ko nito. "What are these?" Pagkatapos maligo ni August ay dumiretso siya kaagad sa akin. Nagpupunas pa siya ng buhok dahil basa pa iyon mula sa pagligo. Nakita kong magkasalubong na naman ang kilay niya. "Pagkain. Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako marunong magluto eh." Nanlulumo kong sabi. "You call this food?" Iritado niyang sabi. "Wala kang pakialam sa luto ko no! Pagkatapos kong paghirapan 'yan! Akin na at ako ang kakain!" I was about to get some pero hinarangan niya ako. "No, you're not gonna eat that! f**k! Useless woman!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Useless? "Useless? E kung ikaw ang iprito ko dyan! Wag mo ko malait-lait August ha? Alam kong Boss kita pero sumusobra ka na naman ah!" Singhal ko sa kanya. Nagsisimula na naman siya ng away. "What? August?" Nanlalaki ang mata niyang tanong na tila hindi makapaniwala na tinawag ko siya sa unang pangalan niya. "Oo, August!" Sigaw ko. "You f*****g called my name, Miss Altamirano. Use your formalities. Hindi mo ba alam ang professional ethics?" Nanggigigil niyang sabi. Napairap ako. Naalala kong kailangan ko nga palang maging mabait pero hanggang kailan kaya ganito? "Anong ethics ang sinasabi mo? Professional ba ang pagmumura mo sa akin?" "I am not swearing at you. I'm just expressing-- "f**k this." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Ha! "What did you just say?" Nagulantang niyang sabi. Nanlalaki ang mata niya na tila unang beses niyang narinig sa akin iyon. Well, una naman talaga iyon. "f**k. Bakit ka nagulat? Ikaw lang pwede magsabi?" Sarcastic kong sabi. "I'm warning you. You are not allowed to say that, Kleya." "Bakit? Ikaw pwede tapos ako hindi?" "It doesn't suit you at all. f**k. Bahala ka nga sa buhay mo. Why do I even care?" He shrugged. Gusto na rin siguro niyang matapos ang sagutan namin. He ordered some food at nakatanga lang ako sa kanya habang siya ay kumakain. Maya't maya akong sumusulyap sa kanya dahil una sa lahat, gutom na gutom na rin ako! Napakasama ng ugali! Hindi man lang ako inalok! "Hindi mo man lang ba ako aalukin, Sir?" Tanong ko sa kanya. He looked at me while enjoying his food. I looked at his foods. Napakarami nun para sa kanya. Wala man lang bang alok dyan, Sir? "Why would I invite you? You just ruined my day so you deserved to starve." Ang talas talaga ng mga dila niya! Kumalam muli ang sikmura ko. Alam kong narinig niya iyon dahil napatingin siya sa akin. Please? Pagkain ang kahinaan ko, Sir! "Just eat what you cooked." Matipid niyang sinabi. What? Grabe talaga siya! Hindi naman niya 'yan kayang ubusin eh! "Eh? Hindi mo naman kayang ubusin 'yan, Sir eh!" Panghihimutok ko. "No. I'd rather give it to beggars who deserves to eat. Not just to a random woman who can't even cooked a single egg." Nagngingitngit akong kumuha ng plato para kunin ang niluto ko. Halos pilitin ko ang sariling huwag magdabog sa harapan niya dahil baka magbago ang isip niya at pagbawalan niya akong kumain. Uupo na sana ako pero nagsalita na naman ang demonyo. "Bakit ka dito uupo? Did I invite you to eat with me?" Napahinga ako ng malalim. Saan ba siya pinaglihi at sagaran ang pagiging demonyo niya? Kalma, Kleya. Gutom lang 'yan. Gutom ko lang. Amen. Inhale. Exhale. Tahimik kong kinuha ang plato at saka tahimik na pumwesto sa may lababo. It's okay as long as I'm eating. Napasulyap ako sa kinakain ni August. I'm craving tuloy sa masasarap na pagkain! Later, I will reward myself at kakain ng marami pagkatapos akong pahirapan ng hinayupak na 'to! It was a long silence na kumakain kami. Ito lamang ang pagkakataong magkasama kami na hindi kami nag-away. I have no energy para awayin siya so mamaya pagkatapos kong kumain, ready na ako ulit. Masarap naman 'yung bacon kahit sunog kasi premium naman 'yung meat. Tapos okay na rin 'yung itlog at hotdog paired with rice. Food is still food, I'm not gonna waste it. "Salamat sa pagkain." Mahina kong tugon kahit labag na sa loob ko. I have this trait naman na once na pinakain mo ako, I would be really grateful. "Wow. You know how to thank me now?" Sarkastiko niyang sabi. Medyo busog na ako, pero seeing that some food he ordered remained untouched, naglalaway pa rin ako. Oo. Ako na ang patay-gutom! "Yeah." Matamlay kong sabi. Magkakape na lang siguro ako mamaya! "Okay. I'm done. Hayaan mo na 'yan dyan. I'll contact some of our maids to clean-- "Ako na lang!" I volunteered. "No, you can't. Male-late ako." Napasimangot ako at lihim na nagngitngit! Ayaw niya lang talagang ibigay sa akin ang mga pagkaing iyon! "Do you know how to drive?" Oo. Pero bakit ko naman sasabihin sa'yo? Bukod sa wala akong lisensya, papahirapan mo lang ako e. "No. Bakit? Pati pagmamaneho ako pa rin? Baka nakakalimutan mo na marunong din akong mapagod?" Inismiran niya ako. The audacity of this jerk! "I am just asking. Why are you making this a big deal?" Aba ako pa ang masama? Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin. Buong araw akong busy sa pagt-trabaho at natuwa ako ng matapos ang araw na iyon na hindi ko nakita ang pagmumukha ni August. Ang alam ko kasi may mga meeting kaya madalas wala. Alright, at least hindi niya sisirain ngayon ang araw ko. "Close na kayo ni Boss, Kleya?" Natatawang tanong ni Miss Cassiopeia. "Luh Ma'am? Hindi po." Tanggi ko. "Ay ganun? Hindi ko kasi nakikitang nakipag-usap 'yan sa babae unless related sa trabaho. Loyal sa girlfriend eh." Naiiling na sabi ni Ma'am Cassiopeia. "Malas naman pala ng girlfriend niya." Bulong ko. "Ano iyon, Kleya?" Tanong ulit ni Ma'am. "Ahhh sabi ko po maganda ang girlfriend niya." Matik na naman iyon. Hindi ko naman maikakaila na gwapo si August. Syempre pipili ba iyan ng average na babae? I doubt. "Sinabi mo pa. Pero maganda ka rin naman, Kleya. Simple ang ganda at hindi ka nakakasawang tingnan. Tinatanong nga nung mga taga IT Department kung anong pangalan mo sa akin at balak ka yatang yayain sa labas." Hala? Bakit naman? Ganda ka girl? "Hindi naman gaano po. Sakto lang. Hindi pangit pero pwede na pagtyagaan." Natatawa kong sabi. "Sus! Ikaw talaga! Mabuti kung humanap ka ng boyfriend kasi ako nagsisisi ako na inuna ko ang trabaho. Heto at matandang dalaga ako!" Dagdag pa niya. "Nako Ma'am. Saka na kapag may time. Career over love life." Natatawa kong sabi. Ganoon ang mindset ko. I have few boyfriends before pero mabilis akong nagsawa. Ganoon talaga. Nakatanim sa utak ko na gusto ko munang magpundar ng bahay at sasakyan. At mag-ipon bago ko i-enjoy ang buhay. Suffer now, enjoy later. At naiisip ko na hindi ko kayang balansehin iyon kapag may lalaking involved. Buko sa magastos, nakataya ang emotional ability ko. Ayokong mabaliw sa lalaki. Because love can wait but your career won't. Pang-beauty pageant ang prinsipyo ko no? Beauty queen ka girl? Natatawa na lang ako. Masyado na yata akong nahuhumaling sa panonood ng vlogs kaya natatawa na ako sa sarili kong joke. "What are you laughing at?" Napatingin ako sa pintuan ko. Nandoon si August at masama na naman ang tingin sa akin. Nilinga ko ang paligid. Kanina pa umalis si Ma'am? Lutang ba ako or ano? "Ahhh. May naaalala akong nakakatawa." Ngumiti ako ng peke para lang hindi na naman siya magalit sa akin. "May oras ka tumawa pero sa trabaho wala?" Talaga naman. Eto yung mga klase ng boss na lahat ng ginagawa mo, sinisilip e. Sila 'yung mga pabida. Hahanap at hahanap ng mali sa'yo. Aba. "Kelan ba naging kasalanan ang tumawa? Nakita mo ba akong tumawa maghapon?" Sagot ko. "Nakatunganga ka dyan! I am not paying just to f*****g smile like that! Go finish these!" At dinagdagan na niya ang trabaho ko ulit kaya napa-OT ako ng wala sa oras. Ito na yata ang trabaho na sadyang pagod ako over all. Pagod ang katawan. Pagod ang utak. Dagdag pa na yung psychological stability ko naapektuhan dahil sa bwisit na August na 'yan. Hindi na ako nakapasok kinaumagahan dahil natrangkaso ako ng wala sa oras. Alam ko sa sarili kong dapat hindi ako nag-absent dahil busy season ngayon pero mabigat na mabigat ang katawan ko. Tumunog ang phone ko pagkamulat ko pa lang. Agad ko iyong sinagot. "Why the f**k aren't you here yet?!" Nakukulili na ang tenga ko dahil beast mode na naman si August. "Boss, sorry if hindi ako makakapasok today. Masama ang pakiramdam ko." Mahina kong sabi. I am not feeling well kaya hindi na muna ako makikipagtalo sa kanya. Wala akong energy. "Who gave you the f*****g permission to get sick--- Hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang reklamo niya kaya ibinaba ko na ang telepono. Gago talaga ang boss ko. Akala ko ba magaling siyang boss. Bakit sa akin lang siya ganito? Hindi gaanong masama ang pakiramdam ko but I just really don't want to work. It's exhausting. Should I just tell my mom na hayaan na lang kunin ni August ang lupa kesa pahirapan ako? Naah. That is already defeat. Hanggang tanghali lang akong nakahilata at nanonood ng TV. Nilalamig na rin ako ng bahagya kaya ininuman ko na ng gamot. Nagambala lang ako dahil sa sunod na sunod na katok. Iritado ko iyong pinagbuksan. Ano ba kasi yun? "Anong ginagawa mo rito-- Nagulat ako nang pumasok si August sa unit ko bigla. Seryoso ang tingin niya sa akin. Lumapit siya at inilapat ang kamay sa noo ko. "Just checking if you're really sick or you're making excuses." "Ano? At bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?" Singhal ko. Napakasama niya talaga! Inangkin niya ang lahat ng masamang ugali sa mundo! "This is trespassing! Pumapasok ka na lang ng biglaan!" Sigaw ko. "Are you sure? When this unit is part of my properties?" Natahimik ako sa sinabi niya. Oops, sorry. Nakalimutan kong nakatira ako sa pabahay na provided ng company! "Kahit na! This is invasion of privacy!" Singhal ko. "Really, Miss Altamirano?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Your boss were just here to just check you. How would that count as invasion of privacy?" He said. Sinamaan ko siya ng nakatingin. "Wala akong pakialam kung anong ipinunta mo rito. Pwede bang pagpahingahin mo na ako, Sir?" Iritado kong sabi at pagod ko siyang ipinagtutulakan palabas. "Don't touch me! Sino ka ba para hawakan ako-f**k!" Masyado siyang malakas kaya nahawakan niya ang braso ko. "Okay. You don't get the f*****g idea but I really don't like being touched especially sa mga taong katulad mo. Naiintindihan mo ba?" Nanlilisik ang mata niya sa akin at parang handa ng manakit. Namewang lang ako sa kanya at iningunguso ang pintuan. "Labas. As if gusto kitang hawakan. Lumabas ka na, Sir. Alam kong gusto mong sirain ang araw ko dahil gusto mong makaganti sa mga ginagawa ko. Sira na ang araw ko. Masaya ka na?" Mahinahon kong sabi. "What? Labas? Who are you to tell me what should I do? Huh?" Nanghahamon niyang sabi sa akin sa kanyang mayabang na tono. "Who are you para pagmalakihan ako ng ganito? Alam mo bang matagal na ako nagtitimpi sa'yo? Can't you just be more grateful at hindi ko pa kinukuha ang lupa niyo?!" Gigil niyang sabi. Heto na naman siya sa pagbbring up sa lupa namin. Nakakapagod talaga makipag-deal sa mga taong katulad niya. Ang kitid ng utak, grabe. Sa tindi yata ng inis ko, nandilim na ang paningin ko at hindi ko na maramdaman na bumagsak ako. I can just remember him na tinatawag ang pangalan ko bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD