Chapter 5

2544 Words
Nagising ako na masama ang pakiramdam. Nilalamig ako at mabigat na mabigat ang talukap ng mga mata ko. "How are you feeling?" Nagulat ako dahil nasa tabi ko si Sir August. Nakaupo ito sa upuan malapit sa akin at halatang hinihintay akong magising. "You fainted. The doctor told me you're sick. Mataas ang lagnat mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi pa ako nahimatay, hindi pa siya maniniwala. "Naniniwala ka na ngayon na may sakit ako?" Mataray kong sagot. "Yes." Mataman niyang sabi. Halatang hindi siya natitinag sa mga pagtataray ko. "Oh, edi bakit nandito ka pa?" Suplada kong tanong. "I am just waiting for you to wake up bago ako umalis. Now that you look better, I'll leave." Mahinahon niyang sabi. Tumayo na siya at mukhang aalis na. Mabuti naman. Hindi na ako umimik pagkatapos noon. Tahimik lang siyang umalis. Napansin ko sa gilid ng kama ang mga prescriptions at gamot doon. Nakapatong iyon sa maliit na mesa doon. Mayroon pang nakalagay doong note. Drink this after your meal. I ordered food for you. Inumin mo na. I need you in the office tomorrow. My eyes rolled. Talagang pati sa ganitong sitwasyon, inuutusan niya ako. Bagamat mabigat pa rin ang pakiramdam ko ay pumunta ako sa kusina. Marami siyang in-order na pagkain at halos maglaway ako sa nakita. Napangisi ako. Parang alam niya siguro na pagkain ang kahinaan ko. I feel like thanking him since he stayed pero naiirita pa rin ako dahil sa pagsugod niya sa unit ko so I think, quits lang kami. "Oh, magaling ka na?" Napalinga ako nang pasakay na ako ng elevator. Magaling na ako ng sumunod na araw kaya pumasok na ako. It was Director Lucas. Nakilala ko siya dahil isa siya sa palaging kasama ni August. He's in 30's na at mukhang matikas ang pangangatawan. Gwapo si Sir Lucas pero alam mo iyong talagang matured na gwapo? Ganoon ang itsura niya. "Ahhh opo." Nagtataka kong sabi. Paano niya nalaman na may sakit ako? "Ahhh I heard August went to your unit yesterday." Okay? Napatango ako at hindi na lang umimik. "Why are you so early today, Luke?" Boses ni August iyon. Di na ako nag-abalang lumingon. Putakte, bakit ba ang bagal bumukas ng elevator? "Good morning too, August. Why so grumpy?" Nilingon ko si August. Nakatitig ito sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya nagmamadali akong pumasok. Tatlo lamang kami sa elevator. Ako ang nasa likuran at pumwesto si August sa may unahan ko. Nalanghap ko tuloy ang pabango niya. s**t. Bakit ba ang bango niya? Nag-uusap sila ni Director Lucas pero bumukas na ang elevator. Nauna silang pumasok kaya nagpahuli ako. "You have a dinner date with Amary later, right?" Napantig ang tenga ko sa sinabi ni Sir Lucas habang kasunod lang ako sa kanila. Who is Amary? Girlfriend niya? Ahhh, siya siguro ang dakilang girlfriend ni August. "Yes." Malamig na sabi ni August. "Mind if I have a dinner later with Kleya?" Napatigil ako nang narinig ko ang pangalan ko. Tumigil silang dalawa sa unahan ko. Napatingin silang dalawa sa akin. Seryoso ang tingin ni August pero si Sir Lucas ay nakangiti. Okay? Pero bakit? "Why? Do you like her?" Malamig na sabi ni August. "Well. I like her as a person. I heard she's one of the most talented employee in one of your branches. You know my family runs a different business line and kukunin ko sana siya, naunahan mo lang ako." "She's working here. Why are you still insisting?" Nakatigil sila doon habang nag-uusap. Hindi ko tuloy alam kung aalis ako or makikinig sa kanila na ako mismo ang topic. "Don't worry. I would just ask if may kilala siyang pwedeng irekomenda sa akin." "Then, ask her now." Malamig na sabi ni August. Okay? Ano ba 'to? "What? It's not very formal to ask here. Besides, I have something to ask. Too personal." Natatawang sabi ni Sir Lucas. "Then invite her." Nagtaas ng kilay si August sa akin bago ako tinaasan ng kilay. Nakita ko pa ang pag-irap niya bago pumasok sa kanyang opisina. Binati ito ng ilang empleyado pero hatalang isnabero ang gago. "Hey, you heard right?" Lucas asked me. "Po?" "Let's have a friendly date. Don't worry, we're going to have a date kung saan sila August. I have something to ask you." Curious ang mukha ni Sir Lucas kaya napaisip ako kung ano ang pwede niyang itanong. "Sige, Sir. Kaso marami pong trabaho ako ngayon e. Paano po pag late na ako natapos?" "Don't worry. August won't let you work late because I invited you. I'll just wait you at the parking lot. Text me when you're done." Nagpalitan kami ng numero ni Sir Lucas. Magalang akong nagpaalam sa kanya bago ako bumalik sa trabaho. "Ano iyon?" Greta asked me. Siya iyong kalapit ko sa cubicle at madalang ko pa lang siya nakausap dahil kakalipat lang niya dito sa department namin. Nasa strategic department siya pero lumipat siya dito para i-assist ang Accounting Department. "Wala." Natatawa kong sabi. "Niyaya lang ako ni Sir Lucas kasi may itatanong daw siya na personal." Nanlaki ang mata ni Greta. "Hala ka girl! Sana all! Ano daw ang itatanong niya?" May pagkatsismosa si Greta pero hindi naman iyong nakakairita. Sakto lang. "Di ko nga alam. Mamaya pa sa dinner." Natatawa kong sabi. Halos umusok ang pwet ni Greta sa pakikiusyoso. Crush na crush kasi nito si Sir Lucas at halatang patay na patay ito doon. "Wag mong aagawin sa akin si Sir Lucas ha? Sasabihin mo sa akin ang detalye!" Natatawa ako sa reaksyon ni Greta. "Oo na! Baliw ka talaga! Hindi ako napatol sa mas matanda sa akin, loka!" Nakitawa si Greta sa sinabi ko. Bruha siya. Hindi ako gaanong pineste ni August today. Busy kasi ako at malapit na ang month-end kaya alam niyang marami akong gawain. Natapos ako sa gawain bandang alas-otso ng gabi. Itinext ko na si Sir Lucas na tapos na ako. Kaagad itong nagreply sa akin at sinabing hinihintay na ako sa ibaba. Nagmamadali akong nag-ayos. Naglagay lang ako ng konting liptint at face powder at saka inilugay ang nakapusod kong buhok. Kumulot ang dulo noon dahil kaninang umaga pa iyon nakapusod. "Hi Sir. Sorry po natagalan ako." Nahihiya kong sabi. Ngumiti ng tipid si Sir Lucas. Nakasandal ito sa kotse nito at parang modelo doon. Sir Lucas is in his 30's pero dahil sa paraan nito ng pananamit, mukha pa rin itong bata. Ang alam ko ay wala itong asawa pa. Kung ano ang dahilan? Hindi ko rin alam. "It's okay. By the way, you look good." He complimented me. Matipid lang akong ngumiti. "Get in." Binuksan niya ang pintuan at marahan akong pumasok doon. "Saan tayo, Sir?" Tanong ko. Inistart na niya ang makina at marahan na kaming umalis sa building. "Well, doon na tayo kung saan magdi-dinner sila August at Amary. It's an Italian restaurant. The couple likes Italian dish, that's why. Ikaw ba?" Kahit ano naman Kleya kinakain mo. Patay gutom ka kase. "Ahhh, kahit naman po ano Sir." Nakangiti kong sabi. "Better call me Luke. Nagmumukha akong matanda pag Sir ang tawag mo sa akin. Okay?" Tumango ako. "Yes, Luke." Natatawa kong sabi. Sandali lang ang biyahe namin at nakarating kami sa isang building sa Makati. Hindi ko alam pero paglabas ko pa lang ng kotse ay ramdam ko na kaagad mayayaman lang ang nakakakain dito. Mapapalaban yata ang wallet natin ngayon Kleya ah? "Pasok na tayo, kanina pang nandyan sila August." Kinabahan ako pagkabanggit niya ng pangalan ni August. Parang natatae ako na ewan. "Luke." Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Napakaganda ng babaeng nasa table ni August. Hindi ko alam kung bakit pero parang natomboy yata ako ng pagkakataong iyon. She's a goddess, really! "Hey, Amary!" Luke said. Iginiya niya ako sa aming table na katabi lang ng mesa nila August. Nagbeso pa ang dalawa at bago pa ako napansin ni Amary. "Oh, may kasama ka pala. Who is she?" Malamyos ang tinig ng babae. Literal na dyosa. Ang ganda ng boses. Natural na malambing. "Ohh, she's a friend. She also works at your boyfriend's company." Nakangising sabi ni Lucas. Nakita ko ang bahagyang pag-ismid ni August. Parang sinasabi niyang "why are we even talking about her?" Ngumiti ako kay Amary na ngayon ay nakagiti sa akin. "Hi, my name is Amary!" She said. "Hello, my name is Kleya! Nice to meet you!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Wala akong makitang kamalditahan sa kanyang mga ngiti. She's really pure and innocent. Di katulad ko. Palengkera. Talakera. Nice, Kleya. Compare mo pa sarili mo at nang nanliit ka lalo. "You're so pretty! Sit down so you can eat na!" She smiled again at me bago muling bumaling kay August. Nilinga ko si August na ngayon ay nakatitig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko ang bahagyang paghalakhak ni Luke sa tabi ko. "Sinasabi ko na nga ba." Natatawang sabi ni Luke. "Yes po, Sir?" Napalingon ako sa kaharap na halos mapunit ang labi sa pagngiti. "Luke, Kleya. Drop the Sir." Pagpapaalala niya kaya napatutop ako sa labi. Oo nga pala. "Ikaw pala ang dahilan kaya laging mainit ang ulo nung isa." Natatawang sabi ni Luke. Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya dahil halos sumusulyap ito kay August. Awkward akong ngumiti. In-invite niya ba ako para lang tanungin iyan? "So are you single Kleya?" Medyo nilakasan niya ang boses kaya nakita ko sa peripheral vision ang paglingon ni August sa amin. "I'm sorry?" Anong trip niya, seryoso? "Okay. That was very straightforward. May I ask if you're single?" He asked loudly again. Malakas ang boses niya at hindi ko alam kung bakit kailangang malakas ang pagkakatanong niya noon. Broadcast lang? "Ahhmm, Luke. Nakalunok ka ba ng megaphone?" Nagtataka kong tanong. Natawa si Luke sa akin. "Okay. Hihinaan ko ang boses ko if you answered my question. Are you single?" Napangiti ako sa kanya. Luke is a bit off at first pero alam kong siya iyong tipo ng kaibigan na kengkoy at malakas ang trip. Naiiling ako sa kanya. "Ahmmm. I'm an adult." Sagot ko. "Okay. You're an adu-- What?" Nagtataka niyang tanong. "I'm an adult pero pwede mong maging baby." Saktong pagkasabi noon ay napabuga si August sa iniinom kaya nabigla si Amary na kaharap nito. Rinig ko ang mahinang pagmumura ni August. Hindi ko alam kung dahil iyon sa pagkasamid or dahil sadyang masama ang mood niya ngayon. Tawang tawa naman si Luke sa sinabi ko. Halatang nag-eenjoy siya sa kalokohan ko. "Naah. Nevermind. That was a joke. Let's order our food first." Nakangiti niyang sabi. He called the waiter at agad naman iyong dumalo sa amin. Hindi ko alam kung ano ang masarap sa menu kaya si Luke na ang pumili para sa akin. Napalingon ako kay August na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang expression sa mukha. "Are you originally from Laguna, Kleya?" Luke asked me. "Yes, Luke. Why?" "Nothing specific. Pero hindi mo ba ako natatandaan?" Napatingin sa kanya. Ano sinasabi niya? "You know I also lived in Laguna when I was young. Like for while before I moved to US. Then, I remembered I was playing with a little girl named Kleya. Alessio calls you Susay that time." Huh? Wala akong naaalalang ganoon. I can barely recall my childhood memories. "Hmmm.. Not sure. Hindi ko naalalang ganoon yung nickname ko. Baka naman nagkakamali ka lang po?" Sagot ko. Tumatango si Luke pero nakangiti pa rin sa akin. "I guess I'm mistaken. Alright, let's eat." Natatawang sabi ni Luke. There's something behind his smile and I know he's curious. Pero ano ba ang dapat ikacurious niya sa akin? Natapos kaming kumain at ramdam kong bugnot na bugnot si August. Hindi lang siguro iyon maramdaman ni Amary dahil natural na tahimik ito kanina pa. Talaga bang ako lang nakakaramdam na parang may itim na aura siya ngayon? "Oh, babe. Kay Luke na ako magpapahatid kasi dadaan muna ako sa agency-- "Ihahatid na kita." Pagputol ni August. Nasa labas na kaming lahat "No, babe. I know you're tired. Come on. Get some rest." Wala ng nagawa si August kundi ang sundin ang gusto ng nobya. Teka. Ang awkward naman kung makikisabay ako kina Luke at Amary diba? "Uhhh, Luke. I forgot something sa office. Magccommute na lang ako. Salamat pala sa pagkain." Sabi ko. "Sure. Pwede kang sumabay na lang kay August kasi doon din naman ang daan niya pauwi." Suggest ni Luke? Ano? No way. "Ahhh hindi na. Magbo-book na lang ako sa Grab para-- "Get in, Miss Altamirano." Malamig na sabi ni August bago pumasok sa sasakyan. Nahihiya akong ngumiti kina Luke at Amary. "Sige. Ahhhmm. Sabay na lang ako. Bye, Miss Amary and Luke! Ingat kayo!" Sabi ko bago pilit na pumasok sa sasakyan ni August. Malamig ang aura sa loob ng sasakyan ni August. Hindi siya umiimik. Naririnig ko lang ang paghinga naming dalawa. "Adult pero pwede mong maging baby huh?" Ayan nagsimula na naman po siya. "Huh?" Nagtataka kong tanong. Okay. Panibagong away na naman ito. "Never in my life did I heard something senseless like that!" Iritado niyang tugon. "Pake mo? Palibhasa walang bumanat sayo noon e! Joke lang naman iyon!" "You like him that's why! May gusto ka kay Luke kaya ka nagsasabi ng ganoon!" "Joke nga diba? Bakit naman ako papatol doon eh mas matanda pa saken yun?! Masyadong madumi pag-iisip mo!" Literal na nagsisigawan kami habang nagddrive siya. Sana lang wag kaming mabangga nito! "Who cares about the age gap! Less than 10 years ang age gap niyo! And then.." He stopped. "f**k, why am I even reacting like this." He said while still fuming mad. "Kulang ka ba sa lambing, August?" Nagtataka kong tanong. "What the f**k?" Masama ang tingin niya sa akin. "I mean. Why would you react on something na ganoon kababa? Imagine nagsabi lang ako ng ganoon tapos histerikal ka na agad? I mean that's normal between friends-- "Wow. So friends na kayo?" He laughed sarcastically. "You're unbelievable." "Yes, friends na kami. He even told me to call him on first name basis." Nagmamalaki kong sabi. "Wow. You're really something." Hindi niya makapaniwalang sabi. "Bawal na ba 'yun? Wag kang mag-alala. Hindi ako pumapatol sa mas may edad sa aki--Teka. Nagseselos ka ba sa akin? Oh my, sis!" Napahalakhak ako ng malakas sa kanya. Kaya ba grumpy siya pag malapit si Sir Luke kasi nagseselos siya sa akin? OMG. "What the f**k are you saying?!" Sigaw niya. Tinigil niya ang sasakyan sa isang gilid. "Bakla ka, August?" Natatawa kong sabi. I am crazy. Calling my boss gay. Wow, Kleya. The nerve. Tapos na ang kinabukasan mo. "Baba, Kleya. Bumaba ka na sa sasakyan ko at baka hindi ako makapagtimpi sa'yo." Gigil niyang sabi. Naiiyak na ako sa kakatawa at wala na halos boses na lumalabas sa pagtawa ko. Wala akong nagawa kundi ang bumaba. Hindi pa rin ako tapos sa nakakatawa kong akusasyon sa pikon kong boss. "Don't worry, by tomorrow nasa pangalan ko na ang lupa niyo." He smirked at naiwan akong nakatanga doon. Tapos na ang kinabukasan mo, Kleya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD