Chapter 1
“Panget, nood ka ng laro ko mamaya ah? After ng klase natin. Kalaban namin ang section Pearl.” Bigla na lang sumulpot sa labas ng gate sa tapat ng classroom namin si Caloy habang napakatamis ng ngiti na nakikiusap ang mga mata.
Sa isip-isip ko, ”Ngiting-ngiti na naman ang mokong na to. Paano ba naman ako makakatanggi? Magrereview pa ako dapat mamaya. Malapit na ang exam. Pero siyempre, makakatanggi ba ako?”
Ako si Rhiane. Simpleng Grade 10 student ng isa sa pampublikong paaralan sa Batangas. Ang goal ko lang naman talaga sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho para makatulong sa mga magulang. Bonus na ang makasali sa honor list. Siya naman si Caloy. Kaklase ko, MVP ng volleyball sa school namin. Hindi naman kagwapuhan pero malakas ang appeal. Lalo na pag nagsimula na siyang pumalo ng bola. Mapapasigaw ka talaga. Masasabi kong close kami. Kahit na ngayon taon lang naman kami nagkakilala. Siguro dahil lagi ko siyang tinutulungan sa mga assignments at projects niya, ikinukuha ng quiz kapag may practice sila at taga-explain sa teacher kung naka complete na ba siya ng mga requirements sa school o hindi. I consider him one of my guy bestfriend. May girlfriend ba siya?, oo naman. Malapit ng maging ex. Nagkakalabuan kasi sila. Siya lang naman ang campus crush sa school namin. Feeling ko nga sobrang mahal ni Caloy ang girlfriend niya. Kaya lang medyo bata pa kaya siguro naguguluhan pa. Hay…for me siya lang ang pinaka-charming sa paningin ko. Alam naman niya yon, na crush ko siya. Pero di naman siya nagti-take advantage. We are still friend. Friend…yes na-friendzone agad ako. Okay na rin, kaysa iwasan di ba?
“Hoy, ano na? Manonood ka ba mamaya? Bahala ka hindi mo makikita ang mga pamatay na palo ko sa laro. Ikaw din.” At nagpa-cute pa nga.
“Okey, okey..manonood na po. Bukas na lang ako magrereview. Baka nga di ko mapanood, mahuli ako sa chismis bukas kapag pinag-usapan ng mga fans mo yung nagging laro mo.” Hindi na naman kasi kelangan na ako ay pilitin. Kahit hindi niya sabihin, memorize ko kaya ang schedule ng laro nya. By hook or by crook, manonood talaga ako.
“Sinabi mo yan ah. Hihintayin kita mamaya. I-cheer mo ako!” pahabol pa ni Caloy habang papaalis na sila ng mga ka-team mate nya.
Iba din itong si Caloy eh. Lakas magpa-fall. Kung mahina-hina kang babae, baka maiinlove ka na sa kanya ng sobra-sobra kasi malambing at thoughtful naman talaga. Kaya naman crush ko siya. Crush lang naman, nothing more, nothing less. Focus ko ngayon ay ang studies ko. Pero yun ang akala ko. Na simpleng paghanga lamang ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Ang galling mo kanina ha, in fairness. Ang solid ng mga palo mo. So, manlilibre ka na ba niyan?” Nanalo sina Caloy. Kasama kong nanood ang mga barkada namin. After ng laro, sama-sama kaming nagmiryenda sa paborito naming miryendahan sa likod ng palengke. Kahit paulit-ulit lamang ang inoorder namin, feeling namin everyday bago sa panlasa namin. O siguro dahil siya lang ang kasama ko kaya lahat ng pagkaing kinakain namin nang magkasabay ay masarap sa panlasa ko. Medyo ginabi kami ng uwi dahil napasarap ang kwentuhan. Since may tricycle sina Caloy at marunong din siya mag drive, inihatid na niya ako sa bahay, kasama siyempre ang iba naming friends. Ako kasi ang pinakamalayo ang bahay sa kanila kaya ako ang una laging inihahatid. Sanay na ang mga magulang ko na kapag sila ang kasama ay gagabihin talaga. Hindi naman namin ito araw-araw ginagawa. Pag may kailangan lamang i-celebrate.
“Nay, mano po. Gabi na po namin naihatid si Rhiane, medyo nagkasarapan po sa kwentuhan eh. Alam nyo na, nanalo po kasi kami sa game kanina.” Ganyan siya ka-welcome sa bahay namin – silang mga barkada ko. Part na siya, I mean sila, ng family. Especially si Caloy. Kilalang kilala na siya ng mga kapatid ko. Everyday sya kasi ang topic namin. Laging siya lang ang magandang kwentong pwede kong i-share sa kanila. Yung mga laro nya, yung kalokohan sa school, yung girlfriend nya. Lahat ng tungkol sa kanya na pwede kong ikuwento, naikuwento ko na yata sa family ko.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para sana magreview ng kaunti. Pagpasok na pagpasok ko sa room, nakita ko sya sa isang sulok. May hawak na papel at malungkot ang mukha. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba agad siya para tanungin kung ano ang problema o hahayaan kong siya ang unang mag-approach sa akin. Magkatabi kami sa upuan kaya alam kong magsasabi siya sa akin kung may problema ba o wala. At hindi nga ako nagkamali. Lumapit siya sa akin. May ibinigay siyang isang papel. Na-curious ako kaya binasa ko.
Caloy,
Sorry kung hindi tayo nag-work. Pinilit ko naman kaya lang baka hindi tayo para sa isa’t isa. Natutuwa ako na nabalitaan kong masaya ka naman kahit wala ako sa tabi mo. Na may nagpapasaya sa ‘yo. Baka siya yung hinahanap mo. Baka nasa kanya yung mga bagay na magpapasaya sa iyo na hindi ko kayang ibigay. Sorry, but I think we have to say goodbye.
Mariz
Awww… broken hearted si Caloy. Gusto ko siyang damayan sa kalungkutan niya. Kaya lang mas nanaig sa aking isipan ang mga salitang sinabi ni Mariz sa sulat nya. May nagugustuhan si Caloy? At hindi ko alam? Sino? Bigla akong kinabahan. Yung pag-asa sa puso ko, biglang nabuhayan. Since wala naman akong nababalitaan na nililigawan niya. Ako ba yun? Wait lang..hindi dapat ako nagdiriwang..broken hearted ang taong dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng pag-asa at saya. Kelangan ko muna siyang damayan.
“Makaka-move-on ka rin Caloy. It’s her lost. Pwede ka namang umiyak. Pwede rin naman idaan na lang natin sa kain. Tara, libre ko sa canteen.” Pinipilit ko siyang pangitiin. Alam naman kasi niya na ang baon ko sa school ay saktong pangmiryenda at pamasahe ko lang kaya imposibleng mailibre ko sya. At yun, effective.
“Hoy! Wag mo akong paandaran. Baka nilalagnat ka. Kelan ka pa nanlibre? Okey lang ako. Inaasahan ko na naman na hindi magwowork ang 2 years relationship namin. Pero siyempre, hindi ko maiwasang malungkot.” Pag-amin ni Caloy sa kanyang nararamdaman.
“Pero aminin mo sa akin, sino ba iyong tinutukoy niya na nagpapasaya daw sa iyo bukod sa kanya? Ehem, I have the right to know.” Naipasok ko pa talaga ang topic na iyon. Hoping na mag-open up sya sa akin. Pero at the same time kinakabahan. Tumawa lang siya. “Malalaman mo din at makikilala kung sino siya. Soon. Tara, kain tayo sa canteen, wala pa naman si Ma’am Gomez.