CHAPTER 12

1327 Words
Marahang ibinaba ni Jasper si Florencia sa kama nito. Inalis niya ang suot na sandals nito at kinumutan. May mga bakas pa rin ng luha sa mukha nito at parang pinipiga ang dibdib niya kapag naaalala niya ang hinanakit na nakita sa mga mata nito kanina habang nakatitig ito sa kaniya. Noong mga bata pa sila, madali lang para kay Florencia na patawarin siya. Sa isang hingi lang niya ng sorry o kahit galit na galit na ito sa kaniya ay madali siyang napapatawad nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto niya si Florencia. Natutuwa siyang asarin ito pero dito pa rin siya bumabagsak kapag wala siyang ibang mapuntahan. Ito pa rin ang palaging tumatanggap sa kabila ng mga kapilyuhan niya. Marami sa kababayan nila ang mababa ang tingin sa kaniya dahil sa pagiging maloko niya ngunit iba si Florencia. Iba ang tingin nito sa kaniya. Maiinis ito. Magagalit. Magtatampo. But still she believed in him. At nagagalit siya sa sarili sa pagsira ng tiwala nito. “Pangako, Florencia. Aalamin ko kung bakit nadawit ka at ang pinaghirapang shop mo. Lilinisin ko ang pangalan mo at patutunayan kong hindi ko kailanman hiniling na masaktan ka… Ibabalik ko ang tiwala mo sa akin… Ipapakita kong karapat-dapat ako ng tiwalang iyon.” Pinalis niya ang natitirang mga luha sa pisngi at sulok ng mga mata nito bago tumayo. Hindi niya alam kung saan magsisimula pero kailangan niyang doblehin ang bilis ng pagkilos. Nilisan niya ang bahay ni Florencia pagkatapos tiyaking naisara nang maayos ang mga pinto. Sa kalagitnaan ng gabi ay sunod niyang tinungo ang headquarters kung nasaan ang ilang kasamahan. “Uyy, andito ka na, Jasper!” malakas na salubong ni Morgan na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair sa harap ng monitor. “Tapos na ang date ninyo?” Alam ng mga kasamahan niya ang lakad niya ng gabing iyon. Hindi niya ito pinansin at sa halip ay dumiretso siya sa cubicle niya kung nasaan ang ginagamit niyang computer. “Mukhang hindi maganda ang gabi ninyo ah,” puna naman ni Marco. Isa rin ito sa kasamahan niya. “Hindi ba naka-score?” pagbibiro naman ni Kirk na kapapasok lang at may dalang mug ng umuusok na kape. Si Morgan at Marco ay kapwa pulis sa bayan nila habang sila ni Kirk ay parehas sundalo. Bukod sa pagiging sundalo, tumatanggap din sila ng ilang secret mission kapag wala sa kampo. Madalas na silang nagkakatagpo noon kaya hindi na din iba ang turingan nila sa isa’t isa. Ngunit hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. Sinamaan niya si Kirk. “Shut up,” mariin niyang saad sabay kuyom ng kamao. “Woahhh, bro. Nagbibiro lang naman ako,” nakangiwing wika ni Kirk sabay hila ng isang upuan. “Bakit ba ganiyan ang mukha mo?” pag-uusisa ni Marco. Hindi siya kaagad nakasagot dahilan para mas lalo niyang nakuha ang attention ng mga kasamahan. “Mukhang malaking problema iyan, ah,” saad ni Morgan na iniharap ang upuan sa kanila. “Alam na ba niya?” makahulugang dugtong nito. Humigpit ang pagkakakuyom niya sa kamao. Dama din niya ang pagbabago ng ihip ng hangin sa buong silid. Wala siyang kailangang sabihin dahil batid niyang nauunawaan siya ng mga ito. “The dinner didn’t end well, so it means that you two didn’t end well too…” Marco stated. His eyes narrowed at him. “Ano bang dapat kong asahan? We all see this coming,” malamig niyang usal. “Paano ba niya nalaman?” That question came from Morgan. “She heard me talking to Sanchez.” Parang iisang taong napa-tsk sila. “Kahit kailan ay wrong timing iyang si Sanchez,” iiling-iling na pahayag ni Morgan. Ang tinutukoy nito ay ang pinaka-head ng investigation nila. Ito ang nagsama-sama sa kanilang apat. “Saka siya nagpaparamdam kapag maling panahon at pagkakataon.” “Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ni Kirk bago umayos ito ng upo. Inilapag pa nito ang mug na hawak sa katabing mesa at hinarap siya. “Hindi ka ba nagpaliwanag kay Miss Severino? She is known for being kind and a good woman. Tiyak na maiintindihan niya ang lahat.” “I don’t think magagawa kong maging mabuti kung ang una kong malalaman ay lumapit siya sa akin dahil sa isang secret investigation,” sarkastikong ani Marco. “But you’re just trying to clean her name,” Kirk pointed out. “Tell her that habang ang alam niya ay wala namang dahilan para linisin ang pangalan niya,” susog naman ni Morgan. “Maalin na lang sa isipin niyang ginagamit siya ni Jasper o isipin niyang pinaghihinalaan siya ni Jasper.” “Well, just tell her the truth,” kibit-balikat na pahayag ni Kirk. Lalong tumalim ang tingin ni Jasper dito. Minsan iniisip niya kung paano niya naging kaibigan ang happy-go-lucky na lalaking ito. “Or hayaan mo na lang siya. Finish the mission and just let her thi—“ “Kir—“ Nagbababala ang tinig ni Marco habang nakatingin dito. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Iyon ang pinakamagandang gawin ni—“ “I already told her that,” putol niya sa pag-uusap ng mga kaibigan. Diretsa ang tingin niya sa kawalan pero tila naglalaro sa gunam-gunam niya ang larawan ni Florencia na umiiyak. And he hated that. “Really?” Hindi makapaniwalang tanong ni Morgan. Hindi nila maaaring sabihin ang ginagawa nilang pag-iimbestiga pero napilitan na siya ng gabing iyon. “Sinigurado kong limitado lang ang impormasyon na makukuha niya.” “And what happened?” Hindi makapaghintay na tanong ni Marco. Umiling-iling siya. “She’s still mad.” “Hindi mo siya masisisi,” mahinang pakli ni Morgan. “Just give her time para makapag-isip.” Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Isipin pa lang na hindi niya maaaring puntahan ang dalaga bukas, kausapin ito, biruin ito, o yayain itong kumain—para bang ang laking bagay nang nawala sa kaniya. “Alam ko naman iyon,” usal niya. “Sa ngayon, ang tangi ko na lang magagawa para makabawi sa kaniya ay tiyaking hindi magugulo ang buhay niya at malilinis ang pangalan niya.” “Yeah, but the question is, paano mo gagawin iyon kung may mga ebidensya na sa mga paso at halaman na nasa shop niya nakatago ang mga goods?” banat ni Kirk na nagpatuwid sa pagkakaupo niya. “I’ll find way no matter what.” Tiningnan niya ang mga kasamahan. “Hindi pa naman sapat ang mga ebidensya na nagmumula ang mga iyon sa shop niya, ‘di ba?” Nagkatinginan ang lahat bago ibinalik ang mga mata sa kaniya. “Hindi pa sapat ang ebidensya laban sa kaniya pero may nakuha silang ebidensya na maaaring magpatigil nang pag-o-operate ng shop niya.” “What?” Iyon ang hindi niya inaasahan. “May naganap kaninang transaction sa kabilang bayan. Nasa loob ng isang compound. Nang magsagawa sila ng imbestigasyon, nakakita ng mga vases at pots na kagaya ng mga nasa shop niya. After some investigation, napag-alamang sa shop niya nagmula ang paso.” “Iyon marahil ang dahilan kung bakit tinawagan ka ni Sanchez. Bukod sa gusto na nilang tapusin ang misyon ay mas lumalaki ang paniniwala nila na kasangkot si Miss Severino sa lahat ng ito.” Ginagahol na siya ni Sanchez kanina. Napipika na nga siya dahil sa pagpe-pressure nito sa kaniya. Though seeing his point, alam niya na ang rason kung bakit tense na tense ito. “D@mn!” “You could say that, but for now you need to ask for her cooperation. Hindi magiging madali pero legal mo nang hingin at kunin lahat ng impormasyong makukuha mo sa kaniya. Sa oras na mahuli tayo ng kilos, kahit wala talaga siyang kasalanan, mahihirapan tayong linisin ang duming iiwan ng gulong ito sa buhay niya.” Dahil sa sinasabi ng mga kaibigan ay lihim na nag-igtingan ang panga niya. Mas lalo ata siyang mahihirapang palambutin muli ang puso ng dalaga. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD