CHAPTER 11

2265 Words
Tulala pa rin at tila wala sa sarili si Florence habang naglalakad papasok sa isang maliit na compound. Wala siyang balak umuwi dahil tiyak na matatagpuan siya doon ni Jasper. Hindi pa rin sila in good terms ni Francheska kaya hindi siya pumunta sa kapatid. Bukod doon, wala din siyang balak idamay ito sa kung anumang gulong meron siya. Hindi siya sigurado sa mga sa sinabi ni Jasper sa kausap nito pero tiyak niyang hindi birong gulo iyon. Dahil wala na siyang ibang alam na mapupuntahan ay minabuti niyang kay Rebecca pumunta. Nang sapitin niya ang maliit na bahay ay kumatok siya sa pinto nito. Hindi pa siya nakakailang katok ay dinig niya na ang malakas na tinig ni Rebecca. “Sino ba iyan? Gabi na ah. Sinab—Ate Florence!” gulat na bulalas ni Rebecca nang tuluyan nitong mabuksan ang pinto. “Diyos ko, ano bang nangyari sa’yo at ganiyan ang feslak mo? Pumasok ka nga muna.” Maarte man ay nag-aalala pa rin na tanong nito. Malungkot na ngumiti lang siya at tumuloy. “Pasensiya ka na, Rebecca kung nakaabala ako ha. Kailangan ko lang nang matitigilan kahit sandali.” “Wala iyon, ate. Upo ka muna at ikukuha kita ng tubig ha. Mukhang kanina ka pa umiiyak diyan.” Hindi pa ito nakakaalis sa tabi niya ay may lumabas na nakahubad-barong lalaki mula sa isang silid. “Sino ba iyan, Ra—“ “Doon ka muna sa labas, Anton,” sabat kaagad ni Rebecca sa lahat ng sasabihin sana ng lalaki. “At bakit naman ako aalis?” mayabang na tanong nito. “Basta. Doon ka na muna sa labas.” Nang mapansin ni Florence na magtatalo pa ang dalawa ay akmang tatayo na siya para magpaalam pero kaagad siyang pinigilan ni Rebecca. “Hindi, ate. Lalabas siya.” May pinalidad na wika nito habang matiim na nakatingin sa lalaki. Napilitan namang sumunod ang lalaki. Lumabas ito pero masama ang tinging ipinupukol nito sa kaniya. Nang maiwan sila ay kaagad dumiretso ng kusina si Rebecca para kumuha ng tubig. “Pasensiya ka na, ate. Asawa iyon ng kapatid ko. Dito nakikitira gawa ng mas malapit daw sa pinagtatrabahuhan niya.” “Okay lang. Pasensiya ka na at salamat.” “Wala po iyon. Ano po bang nangyari? Akala ko ay may date kayo ni Sir Jasper.” Nangingislap ang mga mata nito nang banggitin ang pangalan ng binata. Kung kanina ay natutuwa pa siya kapag naririnig ang pangalan nito ngayon ay puro galit na lang ang nararamdaman niya. Umiling siya bilang tugon sa tanong nito. “Hindi po ba natuloy?” “Can I stay here for a while? Magpapalipas lang ako ng ilang oras at uuwi din ako kaagad.” Mukhang napansin ni Rebecca na wala siyang balak magsalita kaya tumango na lang ito. “Mabuti pa ay doon muna tayo sa kwarto ko para kahit papaano ay makapagpahinga kayo.” Nahihiya man ay nagpaunlak na siya. Sandali syang iniwan nito at muli na namang naramdaman ang kalungkutan. Huling beses na umiyak siya ay nang mawala ang mga magulang nila ni Ches. Simula noon alam niyang sarili na lang ang makakapitan at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Humiga siya sa kama nito hanggang hindi niya namalayang nakatulog na naman siya na umiiyak. Makalipas ang ilang oras… Naalimpungatan si Florence sa mga tinig na nag-uusap sa labas ng silid na kinatutulugan. Nag-iinat na bumangon siya at akmang bababa na ng kama nang maagaw ang tingin niya ng malaking paso na nasa sulok ng silid. Pamilyar sa kaniya ang pasong iyon pero hindi niya lang maalala kung saan iyon nakita. Lalapitan niya sana iyon nang siya namang pabukas ng pinto ng silid. “Ate Florence?” gulat na saad ni Rebecca. “Gising ka na pala.” Base sa reaksyon nito ay tila hindi natutuwa na gising na siya. “Oo. Salamat. Pasensiya ka na sa abala ha.” “Wala po iyon. K-kanina ka pa ba gising?” Nananantiya ang tanong nito. “Hindi naman.” “Hmmm… May gusto ba kayong kainin?” Umiling siya bago napasulyap sa malaking paso. “Ang ganda ng design niyan.” “Ahh… ano po…” Naging malikot ang mga mata nito habang sumasagot. “Uhmm… Nakuha ko sa shelter iyan dati.” Tumango siya kahit parang hindi kumbinsido. “Kaya pala pamilyar.” Tabinging ngumiti si Rebecca. “P-pamilyar po?” “Medyo.” Tumayo siya. “Uuwi na ako, Rebecca.” “Ha? Pero mag-aalas dose na.” “Okay lang. Sadyang nagpalalim lang ako ng gabi. Bukas na lang tayo mag-usap ha.” Magsasalita pa sana ito pero dahil kinuha na niya ang mga gamit at naglakad palabas ng pinto ay napilitang tumango ito. Ipinahatid na lang siya ni Rebecca sa ipinakilalang bayaw nito sakay ng motor nito. Pabalag pa itong kumilos na kung hindi lang sa pamimilit ni Rebecca ay hindi na sana siya magpapahatid pa. Pagkababa niya sa harap ng bahay ay nagpaalam na siya bago dumiretso sa loob ng gate. Abala siya sa paghahanap ng susi ng pinto ng bahay ng may humawak sa may balikat niya. Agad siyang napairit at muling natigilan nang magsalita si Jasper. “Florencia…” Pagkakita pa lang dito ay kaagad umahon ang galit niya. “Anong ginagawa mo dito?” “Why did you leave? Ni hindi ka nagpaalam.” Kahit hindi ganoon kaliwanag ang ilaw na nasa poste sa labas ay malinaw niyang naaaninaw ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ni Jasper. “Napagod na lang ako.” “Sana sinabi mo para naihatid kita kaagad.” Umiling siya. Wala siyang balak makipaglokohan pa dito. “Kaya ko ang sarili ko.” “Napagod ka pero ngayon ka lang umuwi…” Umarko ang isang kilay niya dahil sa sinabi nito. “So, kailangan ba lahat ng kilos ko ay alam mo?” “That’s not what I mean. Hindi safe para sa’yo ang maglakad dito sa labas.” “No. I’ve been doing it for years ng ako lang. Ilang araw ka pa lang bumabalik kaya hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na kaya. I can do whatever I want at wala ka ng pakialam doon.” Bahagya itong napaurong. Mukhang hindi nito inaasahan ang mga sinabi niya. “Flore—“ “Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga,” malamig niyang saad sabay talikod para tuluyang buksan ang bahay. “Hindi ba pwedeng mag-usap muna tayo?” “Wala tayong dapat pag-usapan…” “Pagkatapos mong umalis ng walang paalam at mag-iwan ng pera na sa pagkakatanda ko ay usapan sadya nating treat ko ang dinner… Wala tayong pag-uusapan? Bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit ka umalis?” Naghahamong tanong nito sa pilit pinahinahong tinig. Ngunit kahit gaano pa ito magpakahinahon, hindi niyon maaalis ang inis na nararamdaman niya. Wala siyang itinugon. Sa halip, itinuon niya ang buong lakas at atensiyon sa pagbubukas ng pinto. Nanginginig ang mga kamay niya sa inis at hinanakit. Gusto niya itong bulyawan at tanungin pero pakiramdam niya ay bibigay na lang bigla ang buo niyan katawan. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinyo ay kaagad siyang pumasok. Akmang isasara na niya iyon ngunit mabilis na napigilan ni Jasper. “Florence, let us talk.” “This isn’t the right time to talk.” “Please…” “Umalis ka na.” “Tell me, anong narinig mo? Hindi ka aalis na lang ng walang dahilan.” Matapang na tinitigan niya ito. “Ano ba ang dapat kong marinig ha? O ano ba ang dapat kung asahan at dumating ka sa buhay ko? Ano bang dapat kong asahan at ganiyan ka kabuti sa akin? Na lapit ka nang lapit kahit na wala ka naman talagang mapapala sa akin.” “Alam kong may mali ako pero makinig ka muna sa akin.” “No. You told me once that I deserved to be happy, na deserve ko ng mga totoong taong sa buhay ko. But in one glimpse, you just made everything wrong… You’d made me realize na kahit kailan hindi makikita ng ibang tao ang halaga ko… na may halaga lang ako dahil kailangan ako at hindi dahil ako ay ako…” Nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Alam niyang anumang oras ay babagsak ang mga luha niya kaya akmang isasara muli ang pinto pero maagap na naharang iyon ni Jasper at pilit pumasok. Hinuli nito ang kanang pulsuhan niya at mariing ginagap ang kamay. Masuyo siyang tinitigan nito. “Hindi iyan ang ibig kong mangyari. Mahirap paniwalaan pero mahalaga ka sa akin Florencia. Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat… But trust me, hindi ko planong lokohin at paikutin ka… I just wanted you to be safe…” “Hindi kita pakikinggan kahit ano pang sabihin mo. Kung ako sa’yo ay aa—“ “Mag-uusap tayo ngayon, Florencia. I’m gonna tell you my side at kung anong desisyon mo at isipin mo, igagalang ko.” Wala ng balak maniwala si Florencia dito pero habang nakatingin sa kaniya si Jasper, tila may malamig na kamay na humahaplos sa dibdib niya. Sumisigaw ang ego niya na ‘wag maniwala dahil mamaya ay paiikutin na naman siya nito ngunit naroon pa rin ang kagustuhang unawain ito. She suddenly remembered Jasper’s words. “Siguro dahil hindi ka basta nagagalit. Sinusungitan mo ako pero kinakausap mo pa din ako pagkatapos. You don’t know how to hold grudge. You’re just too kind.” Madali siyang magpatawad at maniwala kaya may pagkakataon na madali siyang mauto. “Please…” Ayaw niya nang maniwala dito. Dinig niya nang pinaiikot lang siya nito. Ginagamit. “Kung may kasalanan man ako… iyon ay nang ilihim ko sa’yo ang tungkol sa imbestigasyon na ginagawa ko. Iyon ang malaking pagkakamali ko… Pero, Florencia, lahat nang sinasabi at ginagawa ko para sa’yo, lahat iyon ay totoo.” Humakbang ito palapit sa kaniya habang hawak pa rin ang kamay niyang tinangka niyang agawin noong pero ikinabigo niya. “Gusto ko pa ring makasabay kang kumain. Nag-e-enjoy pa rin akong tumigil sa shop mo o panoorin ka sa paghahalaman… I still want to stay with you. At hindi iyon dahil ng mission ko.” Wala siyang maapuhap na salita ngunit dala nang pagsusumamo nito ay tila madali nitong napalambot ang puso niya. Sa huli, napilitan siyang patuluyin ito. She’s already hurting. However, she still wanted to know why he did what he did. “Okay.” Nilakihan niya ng bukas ang pinto at pinatuloy ito. “Take a seat,” malamig niyang paanyaya sabay turo sa sofa. Samantalang siya ay nanatiling nakatayo malapit sa may pinto. “Tell me what you wanted to know…” “No. Tell me all I need to know…” Tinitigan siya ni Jasper dahilan para mag-iwas siya ng tingin. Nagpakawala pa ito nang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Umuwi talaga ako dito hindi para magbakasyon. I’m here for a secret investigation. Napag-alaman na may nag-aangkat ng iba’t ibang illegal goods dito sa bayan natin.” “Illegal goods?” Jasper nodded his head. “Cocaine, ecstasy... there’s a lot to name.” Napakurap siya kasabay nang pag-awang ng bibig. “At ano namang kinalaman ko sa mga ganoon? Iniisip mo bang nag-aangkat ako ng mga ganoong klaseng produkto?” Umiling ito. “No. Kailanman ay hindi ko inisip iyon. I know you at alam kong hindi ka ganoon. What you have right now,” tinitigan siya nito na para bang ng mga oras na iyon ay may ginawa siyang kamangha-mangha, “you strived for it. Hindi man naging maganda ang buhay sa’yo… You make life better. And I hate myself for causing you pain right now.” Ang kaninang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya ay mas lalong umigi hanggang tila manlabo na ang mga mata niya dala ng mga luha. “Then why did you let this happened?” “Nang ibigay nila ang mission sa akin, ayaw kong tanggapin. Alam kong maaari itong ang maging kalalabasan ng lahat. Pero pinili ko ito para protektahan ka at matiyak na malilinis ko ang pangalan mo. For almost a month, isa ang pangalan mo sa listed suspect at isa ang shop mo sa tinitingnang pinagtataguan ng mga illegal goods.” Tumingala si Florencia kasabay nang mariing pagpikit. Hindi niya akalaing all this time, habang masaya niyang ino-operate ang shop niya ay napasok na pala iyon sa malaking gulo. In just a glimpse of an eye, pakiramdam niya ay nasa kabilang hukay ang isang paa niya. “I-I’m clean, Jasper… Kailanman ay hindi pumasok sa isip ko ang mga bagay na iyan,” nanghihinang wika niya sabay subsob ng mukha sa dalawang palad. “I know, Florencia.” Lumapit sa kaniya si Jasper at hinawakan ang kamay niya. “Alam ko at iyon ang gusto kong patunayan.” Marahang kinabig nito ang ulo niya at niyakap siya. “Wala silang matibay na ebidensya kaya walang kahit sino ang may karapatang sabihing kasabwat ka… Papatunayan ko iyon, Florencia.” Hindi siya tumugon. Sa halip, hinayaan niya ang sariling tahimik na lumuha habang nakakulong sa bisig ni Jasper. Hindi niya akalaing maaaring maramdaman ng sabay-sabay ang napakaraming emosyon—galit, sama ng loob, takot, at pagnanais na patunayang inosenti siya. Ngunit pagod na siya at ang gusto niya lang munang gawin ngayon ay hayaan ang sariling lumuha. ‘Life was unfair… I tried to make it better but it always throws something back…’ It was her last thought before sleep took her while she was still in Jasper’s arms. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD