"You have to be careful with your pregnancy, okay naman ang bata. Ang nakikita ko lang na rason kung bakit ka nagkaganyan si because of your emotion. May nagpapa-stress ba sa iyo? Or may napanood ka bang nakakatakot? Kasi kung mayroon man o kung sino man ang nagbibigay ng stress sa iyo dapat alisin mo na 'yun," paliwanag ni doctor Karen sa kanila. "Sige po dotora. Salamat po," wika naman ni Rosalyn habang tahimik namang nakikinig si Az. Paglabas nila ng room clinic nina Az kasama si Doc. Karen ay isang pamilyar na tinig ang narinig nila mula sa kanilang likuran. Nagulat sila nang lingunin nila ito. "Az, Rosalyn?" wika ni Danica nang malipat sa kanya ang atensyon ng dalawa. Kasalukuyan kasi itong kinakausap ng doctor nang lapitan niya. At nang humarap sa kanya ang dalawa ay ganoon na lam

