"May alam ka ba dito?" usisa ni Danica kay Az matapos mapanood ang video. "A—ah... hindi! Ngayon ko nga lang nakita 'yan eh," maang ni Az. "Dapat lang 'to sa kanya. Manloloko siya eh! Tapos ang arte pa!"bulalas ni Paola matapos mapanood ang video sa cellphone. Halos dumagundong naman ang dibdib ni Az sa kaba. Natahimik siya at hindi magawang makapagbigay ng reaksyon sa mga nangyayari. "Pero hindi pa rin niya deserve ang public humiliation," wika naman ni Danica. "Well, nangyayari talaga 'yan sa panahon ngayon. Lalo na't nagiging one-sided ang mga tao sa nakikita madalas. Hayaan n'yo na. Lilipas din 'yan. Few months later makakalimutan din yan ng mga tao," paliwanag ni Ma-an na kalmado lang sa isang tabi. "Ikaw, Az? Anong masasabi mo rito?" usisa ni Paola sa kanina pang tahimik na si A

