Kinabukasan, nagdesisyon si Az at Rosalyn na magpakuha ng paternity test. Halos mag-iisang buwan na kasi ang dinadala ni Rosalyn sa tiyan niya. Pareho silang kinunan ng blood test at swab test. Pagkatapos ilang minuto ng proseso ay lumabas silang dalawa sa laboratoryo kung saan ginawa ang mga test. "The result will be release after two to three weeks. I will just inform you, Az, kapag lumabas na ang result," wika ni Doctor Karen. Ang private doctor ni Az at siya ring family doctor nila. "Salamat po doktora..." wika ni Az. "Oh siya! I have rounds pa kasi. Maiwan ko na kayo," wika ni doctora Karen bago siya umalis. Itinuon ni Az ang atensyon kay Rosalyn. Halatang wala itong sigla dahil sa desisyon ni Az. Pero wala siyang magagawa dahil ito lang ang tanging paraan upang mapatunayan niyang

