Ilang linggo matapos ang nangyari sa beach party ay umuwi si Rosalyn sa bahay nito sa Quezon city. Hindi siya halos makalabas ng bahay sa kahihiyang inabot. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat ay may isang staff ni Junnie na kumuha ng video ng mga nangyari. Kaagad itong nagviral. Kumalat sa lahat ng social media sights at nang mangyari 'yun ay nawalan na siya ng trabaho. Hindi niya alam ang gagawin dahil halos maubos ang savings niya. Wala na rin siyang mahingan ng tulong dahil simula nang malaman ng lahat ang ginawa niyang panloloko kay Az ay kinamuhian siya ng lahat. Isa pa sa naging dagok sa kanya ay nang malaman niyang niloloko rin pala siya ni Ralph, ang lalaking ipinagpalit niya kay Az. Nasa Canada si Ralph ng mga panahong umuwi si Rosalyn kay Az at nang makita ni Ralph ang video niya a

