Friday ngayon at wala na masyadong klase sina Danica sa school ngunit aligaga silang lahat sa araw na ito. Tanging mga paperworks na lang ang mga ginagawa nila sa school. RE, earsals sa moving-up ceremony at mga school program na dapat na lang ayusin. Pero kahit ganun halatang stress pa rin si Danica dahil sa kagustuhan niyang maisaayos lahat para sa darating na moving-up ceremony ng mga bata. "Girl, masyado mo naman yatang ginagalingan. E, halos ikaw na gumawa lahat ng trabaho dito aah. Kulang na lang ikaw na mag-ayos ng stage para sa darating na program," pangangantyaw ni Paula kay Danica dahil nakita niyang halos lupaypay na ito. Kaunting pitik na nga lang ng hangin baka makatulog na ito dahil sa pagod. "Okay lang ako, ano ka ba? Oh! Okay na ba 'yong mg

