Sabado ng umaga nang matapos sa gawain sina Danica sa auditorium ng paaralan. Tanging mga guro lang ang pumasok ngayong araw upang maayos ang lahat sa school program. Nagdesisyon ang tatlo na kumain muna sa cafeteria malapit sa paaralan. Ngunit kapansin-pansin pansin kina Ma-an at Paula ang weirdong ikinikilos ni Danica. Madalas itong tulala pero nakangiti. "Teh! Nakadrugs ka ba?" biro ni Paula nang makita niya si Danica na nakahalumbaba sa mesa habang nakangiting tulala. "Hindi aah... may iniisip langa ako," wika ni Danica. "Ano naman 'yun?" usisa ni Ma-an habang nginguya ang pearls sa inorder niyang milk-tea. "Kasi baka batukan ninyo ako kapag sinabi ko," ani Danica. "Huwag ka ngang pa-suspense, hindi bagay sa iyo. Arte nit

