Ilang sandali lang ang nakalipas matapos ang isang oras ng paghihintay. Lumabas na si Danica sa treatment room ng beauty clinic ni Doc. Hazel. Kasalukuyang nakaupo si Az sa isang couch na nasa tapat lang ng treatment room. Sino ba naman kasing hindi maiinip sa halos isang oras na paghihintay kung pagpapaganda lang naman ang gagawin. Mga babae nga naman. Pero walang magagawa si Az dahil siya naman ang nag-insist na dalhin dito si Danica. "Here comes your friend, Az,"anunsyo ni Doc. Hazel nang lumabas siya ng treatment room. Kasunod naman nito si Danica at nang iluwa ito ng pintuan ay ganoon na lamang ang paghanga ni Az sa nakita. Medyo naging maganda nga naman ang kinalabasan dahil kuminis nga naman ang mukha ni Danica at medyo pumusyaw ang kulay ng balat nito. Napanganga si Az

