"Everyone! I would like to announce that this girl in front of you is cheating on me. She's a good damn cheater!" Lahat ay natulala at nagulat sa mga sinabing ito ni Az. Nanginginig na tumakbo si Rosalyn pagkatapos ng lahat. Muntik na nga itong matapilok habang tumatakbo. Mabuti na lang at nakahawak siya sa isang mesa at naghihikahos na umalis. Samantalang si Az ay galit na umiiyak rin hanggang sa itapon nito ang mikropono bago nagtatakbo papalayo ngunit hindi sa direksyon na dinaanan ni Rosalyn kung 'di sa gilid na bahagi ng event-hall. Akmang susundan nina Junnie at Marvin si Az ngunit pinigilan sila ni JC. "No! Hayaan n'yo siya," utos ni JC sa dalawa na hahakbang na sana palayo pero napatigil ang dalawa. "Pero pare! Kailangan niya tayo!" nag-aalalang wika ni Marvin. "Oo nga pare! Ba

