bc

His One Last Mission

book_age18+
3.0K
FOLLOW
13.9K
READ
spy/agent
possessive
brave
drama
bxg
realistic earth
weak to strong
reckless
bodyguard
stubborn
like
intro-logo
Blurb

(Los Solteros De Calientes Series 3)

Gifted by the ability to sense a presence three meters away from her, Josie Mae Alejo together with Nathalie, her 3-month-old niece was able to escape from the people who kept on chasing them. Those people are the loan sharks who illegally collecting payments with harassment and they are the reason why her sister ask her a favor to keep Nathalie safe no matter what. However, running away isn’t forever and she has no one to ask for help.

Not until she remembered the name of a man she treated and helped eight years ago, that man promised to pay her back if she needs his help. He is Sancho Calientes, and he is the only person who is capable of helping her. Sancho helped her and when Josie thought that being with Sancho is the safest place, she was perfectly wrong.

chap-preview
Free preview
Prologue
Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana para tingnan ang nangyayaring komosyon sa labas dahil naistorbo ang beauty rest ko. Dikit-dikit ang bahay na tinitirhan namin sa squatter area kaya madaling makasagap ng tsismis lalo na at iyon ang bumubuhay sa mga nanay na nagma-majhong sa bandang eskinita naming. “Hoy, Lando, anong mayroon?” tanong ko sa isang tambay na nakatayo sa tabi ng bintana habang umiinom ng softdrinks sa plastic. “May habulan doon sa bandang looban,” sagot nito at sumipsip sa straw na hawak. “Mukhang dito dumaan ang hinahabol ng mga pulis.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya tungkol sa habulan na nangyayari ngayong tanghaling tapat. Napailing na lang ako at bumalik sa loob saka dumiretso sa kwarto ko. Normal na sa lugar namin iyon, ang may naghahabulang mga tambay na nag-susugal at mga pulis. Magulo talaga sa lugar na tinitirhan ko pero wala naman akong magawa para makaalis kami dito dahil wala rin sapat na pera si Itay pang-renta sa mas maayos na apartment at nag-aaral pa lang ako ng kolehiyo samantalang ang ate ko naman ay may trabaho na kasya lang para sa bayarin at pangsariling gastusin. “Josie, anak ko, lalabas muna ako, anak ha?” “Saan ka na naman pupunta, ‘tay?” tanong ko at nagtaas ng kilay. “Maglalako lang ako ng gulay,” sagot ni Itay at lumabas na ng bahay. Inayos ko ang mga marurumi kong damit para maglaba sa may poso nang bigla marahas na bumukas ang bintana sa kwarto ko at iniluwa niyon ang isang sugatan at hingal na hingal na lalaki. Natulala ako at nabitawan ang mga damit dahil sa gulat. Ang puso ko ay malakas na kumabog dahil bukod sa ngayon lang ako nakakita nang ganito kagawapong nilalang ay hindi ko rin alam kung masama o mabuting tao ang lalaking nakatayo sa aking harapan ngayon. “H-help,” nauutal na sabi nito at humakbang palapit sa akin. Duguan siya pero mukhang hindi naman malala. Umatras ako at mabilis na dinampot ang hanger na nasa lapag at itinutok sa kaniya iyon. Dumudugo ang bandang tagiliran nito at napapangiwi sa sakit. Lumunok ako ng laway at pinagmasdan ang lalaki nang maigi. Nilingon ko ang bintana na pinasukan niya at napangiwi nang makitang may mga bahid ng dugo roon at tiyak na sasabunin kami ng landlady kapag nakita iyon. "T-tatawag ako ng pulis—" "Don't!" pigil nito na pinagtaka ko. Hindi kaya, masamang tao 'to? “Josie?!” Napaigtad ako nang marinig ang tawag ni Ate na sinundan niya ng katok. Malalaki ang hakbang ko na tumungo sa pinto at binuksan iyon nang halos ilang pulgada lamang. Kumunot naman ang noo ni Ate at akmang papasok nang pigilin ko siya at ngumiwi. “Bawal!” “Anong bawal? Hahanapin ko ‘yung bra ko, mukhang ginamit mo na naman,” galit na sabi niya sa akin at akmang papasok muli nang pigilan ko siya ulit. “Hindi ko ginamit! Baka dinekwat na naman ni Mang Lerio? ‘Di ba bet ka non—“ “Punyeta talagang matanda iyon! Ipapa-baranggay ko talaga siya!” sigaw ni Ate at tumalikod na. Napabuntong-hininga naman ako at isinara ang pinto saka ni-lock iyon. Nang lingunin ko ang binata ay hinang-hina na siyang nakaupo sa sulok ng kwarto ko katabi ang mga labahin kong panty. Jusko, naman! Bakit doon pa umupo ang letseng pogi na ‘to! “Sino ka ba? Bakit dito ka nagtago? Mapapa-trouble ako sa ‘yo niyan e!” reklamo ko at akmang hahawakan siya pala alalayan nang bigla niya akong hablutin sa pulupulsuhan. Natigilan naman ako dahil sa tila mabilis na pagdaloy ng kuryente nang hawakan niya ako. Hinawi ko ang kamay niya at bahagyang umatras dahil hindi ko alam kung dapat ko bang tulungan ang tao ‘to. Paano kung, gahasain ako nito? O kaya patayin? Hindi p’wede! Paano na ang Florito my babyloves ko? Hindi ko pa nagiging syota iyon! “I’m not a bad guy here, Miss whatever your name maybe is.” “Josie ang pangalan ko – “ “And just because I’m not a bad guy, doesn’t mean you can tell me your name that easy.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya bigla dahil tama naman siya sa bandang iyon. Tumikhim naman ako at nang akmang magsasalita muli nang itaas niya ang kamay niya para pigilin ako sa kung ano man ang sasabihin ko. “I need your help,” halos bulong na sabi niya sa akin. “Ano ako, uto-uto—“ Hinubad nito ang sout na relo na mukhang mamahalin at binigay sa akin. Nanlaki naman ang mata ko at kinuha iyon. P’wedeng pang-regalo kay Florito my loves para mapansin ako. “Is that enough?” “Anong tulong kailangan mo? Mabilis ako kausap.” Nakangiti ako habang sinusuri ang relo. “First, clean the blood on your window.” TATLONG araw na nang bigla na lang sumulpot ang duguang lalaki sa loob ng kwarto ko at basta na lamang ginawa akong caregiver na walang sahod maliba sa relo na binigay niya. Mabuti na lang at Christmas break kaya wala na akong pasok sa school kaya naitago ko siya sa loob ng kwarto ko ng tatlong araw. Napabuntong-hininga ako at pumasok ng kwarto dala-dala ang pandesal at kape saka inilapag ito sa harapan niya. “Where’s your parents?” blanko ang boses na tanong niya sa akin at kumagat sa pandesal. Base sa paraan niya ng pag-sasalita ay mukang may kaya siya at mula sa prestehisyosong pamilya. Mukha rin siya matanda lang ng ilang taon sa akin kaya talagang kinakain ako ng kyuryusidad kung bakit sa edad niya na sa teenager pa lang ay nasangkot na sa gulo. “Bakit ka sugatan? Bakit ka nagtatago—“ “I asked you first, Josie.” Napabuntong-hininga ako at napailing. “Umalis si Itay para magbenta ng gulay sa palengke at si ate ay nasa mga kaibigan niya.” Tumigil siya sa pagkain at tumingin ng deretso sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya. Nang una ko siyang makita ay hindi ko ganoon nakita ang kaniyang mukha dahil sa mga natuyong dugo pero ngayon ay malinaw kong napagmamasdan ang mukha niya. Kulay tsokolate ang mga mata niya at matangos ang ilong, pati ang labi niya ay natural na kulay rosas – “Stop fantasizing me,” aniya at ngumisi. “Enjoy your youth, Josie and never get trick by some boy’s sweet empty words.” Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumayo. “Hindi ako nagfa-fantasize sa ‘yo ‘no! Anime ka ba? At saka si Florito lang sapat na sa akin.” Bigla naman akong natigilan nang marinig ang pamilyar na yabag palapit sa pinto ng kwarto ko. Napatayo ako agad at hinablot ang pagkain sa nagtatakang binata saka basta na lang siyang tinulak papunta sa ilalim ng kama ko. “Bilis! Tago!” bulong ko sa kaniya. “Aw! Easy! My wound!” daing niya at pumasok sa ilalim ng kama. Nang saktong makapasok ang binata sa ilalim ng kama ay bumukas naman ang pinto at iniluwa si Itay na salubong ang kilay. Tumayo ako nang tuwid at nagpagpag ng sarili saka napasinghap nang makita ang paa ng binata na nakalabas kaya agad kong nilapitan iyon at pasimpleng sinipa. “Aw!” “Aw! Aw!” kunwareng daing ko upang matabunan ang ingay na ginawa ng binata. “Okay ka lang?” “Ha? Ah! Oo naman ‘tay!” Kinakabahan akong tumayo nang tuwid. “Bakit ka pala bumalik?” “Ah, kasi may bali-balita na nagtatago dito sa lugar natin ang taong nakapatay doon sa isang pulis. Gusto ko lang sabihin na mag-iingat ka dito. Naiintindihan mo ba?” Tumango ako at nang tuluyang lumabas si Itay ay naninigas akong nilingon ang binata na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama. Pinaningkita ko ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi ni itay. “I told you, I’m not a bad guy, Josie Mae Alejo. Hindi ako ang pumatay sa pulis.” Hindi ko alam kung bakit tila may isang bahagi sa isip ko na pinaniniwalaan siya. I mean, kung masama siya ay dapat pinatay na niya ako habang tulog. Akmang sasagot siya nang biglang may kumatok sa main door ng bahay. Natigilan naman ako at nilingon ang binata na kunot ang noo na nakatingin sa akin. “You look pale,” aniya. Doon ko lang napansin ang panginginig ng tuhod ko at panlalamig ng kamay ko. Tumayo siya at agad akong nilapitan. “Fred my friend!” tawag ng kung sino na nasa likod ng pinto. Nanlaki ang mata ko at napaatras dahil sa takot. Bakit ngayon pa dumating ang taong ‘to? Kung kalian wala dito si itay at tito. “Who are they?” bulong ng lalaking nasa tabi ko. “L-Loan collector,” sagot ko sa nanginginig na boses. Ngunit laking gulat ko nang biglang lumabas ang binata ng kwarto ko at walang sabi-sabi na binuksan ang main door. Nanlalaki ang mata ko sumunod at napaawang ang labi nang makitang hindi lang isa, hindi dalawa kundi anim ang mga kalalakihang nakatayo sa harapan naming. “At sino ka naman? Nasaan na si Fred?” tanong nito at nilingon ako. “M-mang Tensyo…” “Did you know that it’s illegal to collect loan payment with harassment?” Tumawa lang ang mga debt collector at inutusan ang mga tauhan nito na lumapit sa akin ngunit bago pa man ako mahawakan nila ay agad humarang ang binata na kinagulat ko. Malalaki ang katawan ng mga lalaki sa harapan naming kaya paniguradong mapapahamak lang siya kapag pinatulan niya ang mga lalaking ito. “Totoy, ang tatay niyan ay may malaking utang sa akin at hindi ako nagpapautang ng walang bayad o collateral. Kaya kung ako sa ‘yo ay tumabi ka at huwag ka ng mangialam,” anito at marahang tinampal-tampal ang pisngi niya. “Sayang ‘yang gandang lalaki mo, toy.” Napaawang ang labi ko nang biglang tapikin ng binata ang kamay ni Mang Tensyo na kinagulat naming lahat. Nag-iba ang reaksyon ng mukha ng huli at walang sabi-sabi na itinaas ang kamay. Ngunit bago pa man iyon lumapat sa binata ay hinarang ko ang sarili ko. Napaigik ako nang maramdaman ang kirot sa aking balikat na tinamaan ng kaniyang palad. “Damn it!” Dinaluhan ako agad ng binata at tinulungan akong tumayo. “Sinasabi ko sa ‘yo, totoy. Walang p’wedeng bumastos sa akin—teka! Sino kayo?” Kumunot ang noo ko nang biglang may mga lalaking nakasout ng disenteng itim na suit ang biglang sumulpot. Isa-isa nilang nilayo ang mga debt collector at ang isang tila leader ay tumayo sa harapan naming ng binata. “You’re late, Lucio,” ani ng binata, “take them away and make sure that they’ll never came back here.” “Yes, Sir Sancho.” Umalis na ang lalaking tinawag na Lucio. “Are you okay?” Tumango lang ako at isinara ang pinto. Naupo ako at piangsalikop ang aking kamay upang pigilin ang panginginig niyon. Hindi ito ang unang beses na nasampal ako ng mga debt collector na pumupunta ng bahay. Ang pinagkaiba lang ngayon ay may nakakita at kinakain ako ng hiya. “I’m leaving.” Dumako ang tingin ko sa kaniya at tumango. “O-okay.” “Don’t worry, Lucio will give you compensation for helping me and treating my wounds.” Tumango lang ako ulit. “Okay.” Narinig ko siyang bumuntong-hininga at hinubad ang kaniyang sout na pulang string bracelet at sinuout sa akin. Napakurap ako at napatitig sa pulang string bracelet. “Thank you for helping me, Josie. If you need my help, find me and I’ll pay you back. I promise.” Matapos niya sabihin iyon ay tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto. “Anong pangalan mo?” nahihiyang tanong ko na ikinalingon niya. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at namulsa. “My name is Sancho Calientes,” aniya, “till we meet again. Josie.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook