Chapter 1

1974 Words
JOSIE NAKATITIG lang ako sa babaeng nakatayo sa aking harapan bitbit ang isang sanggol na sa tingin ko ay nasa tatlong buwan pa lamang. Iyak siya nang iyak at namumugto na ang mga mata dahil sa walang tigil na pagluha. Lumalim ang kunot ng noo ko nang mapansin ang mga sugat niya sa braso at pasa sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan. “Ate Josa, anong ginagawa mo dito?” Mabuti na lang at puro call center ang kasama ko sa apartment kaya ako lang ang natira dito sa bahay ngayong gabi. Humihikbi siyang lumapit sa akin at basta na lang iniabot ang sanggol sa mga braso ko. Nagtataka naman akong kinuha si Nathalie, ang tatlong buwang gulang kong pamangkin. Nang maibigay niya sa akin ang bata ay bahagya siyang umatras at panay tingin sa paligid na parang takot na takot dahil nanginginig pa ang kaniyang mga kamay. “J-Josie, a-alagaan mo si Nathalie,” iyak niya at lumuhod pa sa harapan ko. Sinubukan kong lumapit pero umiling lang siya at itinaas ang kamay para pigilin ako. Nakaramdam na rin ako ng kaba dahil sa kinikilos niya. “Ate! Tumayo ka nga! Ano bang ginagawa mo? Nasaan si Kuya Mayer?!” tukoy sa kano niyang asawa na nakilala niya sa isang online dating site na siya ring ama ni Nathalie. "Ipangako mo, Josie. Huwag na huwag mong ibibigay si Nathalie sa kahit na kanino," saad niya na bakas ang matinding takot. Tumayo siya at nagpunas ng luha at kinuha ang isang bag na naglalaman ng gamit ng bata. Lumapit siya sa akin at dinampian ng halik si Nathalie sa noo at hinaplos naman ang aking pisngi. Kitang-kita ko ang sugat sa kamay niya dahil sa mga natuyong dugo na nagkukulay itim na. Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba at pagtataka. Nang humakbang siya paatras muli ay hinawakan ko siya sa braso para pigilin ngunit inalis niya iyon at umiling nang sunod-sunod. “Pakiusap, Josie. Mag-iingat kayo ni Nathalie.” “Ate…” Tuluyan na ngang umalis si Ate at iniwan sa akin ang anak niya. Nanlalaki ang mata ko na pumasok ng kwarto at inilapag ang bata sa kutson saka tinawagan si Kuya Mayer ang asawa ni Ate Josa. Matapos ang ilang ring ay may sumagot mula sa kabilang linya. “Hello? Kuya Mayer? What happened? Why did my sister come here? Did you fight? Hello? Kuya Mayer –“ “Locate the call, now.” Kumunot ang noo ko nang marinig ang mga salitang iyon sa kabilang linya. Kumabog ang puso ko at humigpit ang hawak sa cellphone dahil bukod sa hindi boses iyon ng asawa ng ate ko ay mukhang nasa panganib sila base sa mga pasa at sugat na nakita ko sa katawan ng kapatid ko. Dumako ang tingin ko kay Nathalie at mabilis na ibinaba ang tawag. Mabilis akong nag-empake saka binuhat si Nathalie at malalaki ang hakbang na lumapit sa pinto. Ngunit agad akong natigilan nang biglang gumalaw ang doorknob na animo’y pilit na binubuksan iyon, Huminga ako nang malalim at pumunta ng kusina saka inilaglag ang mga gamit doon. Binuksan ko ang malaking bintana roon saka muling tumakbo sa kwarto at marahang binuksan ang bintana at doon lumabas. Tumakbo ako nang boung ingat at umikot para magtago sa isang malaking puno na malapit sa main door ng apartment na tinitirhan ko. Napabuntong-hininga ako nang makitang sa kusina sila tumungo dahil iyon ang sinadya kong palabasin, ang isipin nilang sa kusina ako lumabas. Mabilis akong tumakbo palayo hanggang sa makalabas ako ng subdivision. Sayang at kakalipat ko lang sa apartment na iyon dahil kailangan naming umalis sa tinutuluyan namin dahil marami ang inalis sa Revanche Resorts dahil sa nangyaring gulo. Pumasok ako sa loob ng isang convenience store para magpahinga nang bigla na lang umiyak si Nathalie. Natataranta naman akong kinuha ang kaniyang feeding bottle mula sa bag na dala ko. Mabuti na lang at may lamang gatas na iyon. “Shh,” I hushed and kissed her forehead. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta ngayon ni Nathalie. Hindi rin malaki ang ipon ko at naibayad ko na sa upa. Napaigtad ako nang tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko iyon ay si Kuya Mayer ang naka-register. Pinatay ko ang tawag at inalis ang simcard saka tumayo. Inilibot ko ang mata ko at napahinto sa isang standee ng magazines at lumapit doon. "The Tycoon is getting married. Thaddeus Calientes is now tying the knot with the love of his life," basa ko at napahinto nang may maalala. "Calientes... Sancho Calientes. Tama!" Mabilis akong lumabas ng convenience store at nagpara ng taxi. Alam ko kung saan ang mansyon ng pamilya Calientes dahil isa sila sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Lagi silang suki ng mga balita lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. “Alam niyo po ba ang Calientes Mansion?" tanong ko sa driver. "Nako! Hindi ka makakapasok doon nang basta-basta, Ineng." "Please po, kailangan ko pong makapunta doon," saad ko at niyuko si Nathalie. Bumaba din ang tingin ng driver sa batang bitbit ko at napapailing na tumango. Hindi ko sigurado ang iniisip niya pero mukhang alam ko ang ibig sabihin ng mga buntong-hininga niya. Sumakay na ako sa loob at binaybay naming ang daan. Ilang minuto rin nang marating naming ang malaking gate ng Calientes mansion. "Kuya sandali lang po ha, diyan lang kayo," saad ko at lumabas ng taxi. Lumapit ako sa malaking gate ngunit biglang bumukas iyon dahilan para mapaatras ako. Isang kulay pulang sasakyan ang lumabas at huminto sa harapan ko mismo. Bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin ang isang magandang babae na siya ring nagamamaneho. Napalunok ako at lumapit rin nang bahagya. "Yes? Who are you?" tanong nito. "Hinahanap ko po si Sancho—" "Hindi siya nakatira dito." Bumaling ang tingin niya sa batang bitbit ko. "Is that his child?" Napaawang ang aking labi at dahil desperado na ako ay marahan akong tumango. Tumawa naman ang babae at may hinaplos ang pisngi ni Nathalie saka napailing. Bakas sa mukha niya ang totoong tuwa nang ngumiti si Nathalie. "She’s so cute! By the way, Sancho hates kids," wika niya at ngumiti. "I'm Noelle Calientes. At nasa Torricelli heights siya nakatira, unit 618." Matapos nito sabihin iyon ay kinurot niya nang marahan sa pisngi si Nathalie at ngumiti sa akin. Kumaway pa siya bago isinara ang kanyang bintana at pinaharurot ang kaniyang kotse paalis. Huminga muna ako nang malalim at dali-dali na bumalik sa taxi. "Manong, sa Torricelli Heights po tayo." Ilang oras lang nang marating ang nasabing building. Mabuti na lang at tulog na tulog si Nathalie kaya wala akong naging problema sa byahe namin. Pagkababa ko ay agad akong pumasok ngunit hinarang naman ako ng guard na nakataas ang kilay sa akin. “Sino ka naman? Hindi ka taga-dito kaya kailangan mong mag-log—“ “B-boyfriend ko si… si Sancho Calientes,” pagdadahilan ko at pinakita si Nathalie. “Gusto ko lang ipakita ang baby namin. Hindi naman masama iyon, ‘di ba? I mean, walang nanay ang gusto na wasak ang pamilya—“ Pinanliitan ako ng mata ng guard at napabuntong-hininga. “Ikaw ang unang babae na pupunta sa unit ni Sir Sancho. Bakit naman kasi nagpabuntis ka sa taong iyon. Okay, okay. Sige na, pumasok kana.” Matapos iyon sabihin ng guard ay nagpasalamat ako at pumasok saka lumingon-lingon bago sumakay ng elevator. Isang babaeng may mataas na pony ang kasabay ko sa elevator at nang akmang pipindotin ko ang tenth floor ay nauna na siyang gumawa niyon. Bahagya ko siyang nilingon at namangha dahil sa ganda ng pagkakahulma ng kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay bumaling sa akin dahilan para agad akong umiwas ng tingin. Nang huminto sa tenth floor ang elevator ay nauna siyang lumabas. She walked full of elegant and class. Tumutunog ang heels niya sa bawat hakbang niya. Huminto siya sa unit bago ang unit na pupuntahan ko. Nilagpasan ko siya at kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakatingin siya sa akin. Nang huminto ako sa pinto ng unit ay siya namang pagpasok niya sa loob. Napahinga ako nang maluwag at akmang kakatok ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang taong inaasahan ko. Wala siyang pang-itaas at tanging boxer brief lamang ang sout. Kitang-kita ko ang mga masels niya at mga pilat sa katawan na siyang pinagtaka ko ng sobra. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. “And who the hell are you?” salubong nito at nagkamot pa ng batok. “Sancho Calientes, tama?” Kumunot ang noo niya at bigla na lang akong sinakal ng walang pagdadalawang-isip. Nagbago rin ang reaksyon ng kaniyang mukha at ang kamay niya sa leeg ko ay pahigpit nang pahigpit. Niyakap ko naman si Nathalie upang hindi ko siya mabitawan. Letseng, lalaki ‘to! Ganito ba siya tumanaw ng utang na loob? “Sino ka?” mariing tanong niya sa akin. "Who sent you?" Gamit ang kamay kong isa ay pinakita ko ang red string bracelet na sout ko dahilan para bitawan niya ang aking leeg. Ilang beses akong umubo at huminga upang maging maayos ang daloy ng hangin sa baga ko. “Tulungan mo ako,” saad ko. "Pasensya na. Hindi ako mayaman, wala akong pera." Matapos niya sabihin iyon ay isinara niya ang pinto. Napaawang ang labi ko at ang pag-asa ko ay parang bula na naglaho. Siya ang huling tao na iniisip kong hingan ng tulong at siya rin ang nag-sabi sa akin na tutulungan niya ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga nang malalim upang pigilin ang maiyak dahil sa sobrang inis sa nangyayari. Tumalikod ako at niyakap si Nathalie saka huminga nang malalim ulit. Nang akmang hahakbang ako palayo ay may brasong bigla na lang yumakap sa bewang ko at hinila ako papasok sa unit. “Aray!” Nang maisara ni Sancho ang pinto ay humalukipkip siya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa at huminto sa batang bitbit ko. Lumalim ang kunot ng kaniyang noo at nanliit ang mga mata niyang nakatitig kay Nathalie. “Who are you again?” “Josie. Josie Mae Alejo. Tinulungan kita eight years ago—“ “Alright, alright! I remember. Anong tulong ang maibibigay ko sa ‘yo?” tanong niya habang hindi inaalis ang tingin kay Nathalie. “H-Hindi ko naman anak ‘yan ‘di ba? Lagi akong nagko-condom e, kakambal ko na nga iyon e.” Tinaasan ko siya ng kilay at umiling dahilan para makahinga siya nang maluwag. Tumikhim naman ako at taas noo na tumayo sa kaniyang harapan. “We need a place—“ “No hell way,” sagot niya at binuksan ang kaniyang pinto. “Hahanapan na lang kita ng studio unit na--“ “Kasama ka.” Ang kunot niyang noo ay mas lalong lumalim. “What? Kasama ako? Baliw ka ba?” “I need your help, Sancho Calientes. Nasa panganib kami at kailangan namin ng proteksyon.” “I hate kids—“ “She’s a baby.” “I hate babies.” Niyakap ko si Nathalie at dahil gising na sa siya ay binuhat ko siya nang nakapatong ang ulo sa aking balikat. Ngumiti ako nang malungkot at tumango na lamang saka tumalikod. Dahil sa pagtalikod ko ay kitang-kita niya ang mukha ni Nathalie kaya agad akong naglakad palayo dahil baka mas lalo siyang mainis dahil ayaw niya sa mga baby. Nang akmang hahawakan ko ang pinto ay narinig ko siyang tumikhim. “Fine.” Nanlaki ang mata ko at nilingon si Sancho na nakahalukipkip. Hindi siya nakatingin sa akin at bakas sa mukha na labag sa loob niya ang tulungan ako. “Fine? Anong fine?” He sighed. “Fine, I will help and protect you and that… that baby.” Malawak akong napangiti sa sinabi niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD