Chapter 2

1617 Words
JOSIE PRENTE akong nakaupo sa sofa habang kalong si Nathalie at kaharap si Sancho Calientes. Nakahalukipkip lang siya at nanliliit ang mga mata na nakatitig sa akin particular na sa batang kalong ko. Inilapag ko ang pulang string bracelet sa lamesa at itinulak iyon palapit sa kaniya. “Maraming salamat sa pagtanggap sa amin ng pamangkin ko—“ “It’s not free, Alejo. Wala ng libre sa mundo ngayon kaya kung ano man ang kailangan ninyo dito ay babayaran mo. Kuryente, tubig, internet at kahit pagkain.” Walang reaksyon ang mukha niya habang sinasabi iyon. “Mayaman ka, I mean. Isa kang Calientes at ang pagkakaalam ko ay mayaman ang angkan ninyo.” He rolled his eyes. “Look, Alejo. Hindi ako mayaman. Sila, oo pero ako hindi. Isang kahig, isang tuka rin ako kaya ang kaya ko lang itulong sa ‘yo ay proteksyon na kailangan mo.” Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahil ngayon ko lang naisip na wala na rin pala akong trabaho dahil isa ako sa mga inalis sa Revanche Hotel matapos ang nangyaring gulo roon. “Wala… Wala akong pera—“ Hindi niya man lang pinatapos ang sinabi ko at bigla na lang tumayo saka dumiretso sa pinto at binuksan iyon. Iminuwestra niya ang kaniyang kamay na para bang gusto niyang sabihin na umalis na ako dahil wala akong mapapala sa kaniya. “Leave, Alejo.” "Akala ko ba pumayag ka ng tulungan ako—" "Look, I'm f*****g broke. Hindi ka nga mamatay sa kung sino mang humahabol sa 'yo, pero mamatay ka sa gutom. At saka sa pulis ka na lang lumapit—" "Hindi ako nagtitiwala sa pulis." "P'wes wala na akong magagawa roon." Pinagkiskis ko ang mga ngipin ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko sa kaniya. Tinulungan ko siya noon nang walang pagdadalawang-isip samantalang ngayon ay mas mabilis pa sa alas-kwatro niya ako tanggihan. Ayokong mang manumbat pero pinanghawakan ko ang pangako niyang iyon. Iyon ang huling baraha ko. Huminga ako nang malalim at dinampot ang bracelet saka tumayo papunta sa kaniya at walang sabi-sabi na binato iyon sa kaniyang dibdib. “Aalis ako pero oras na may mangyaring masama sa akin ay kasalanan mo,” lakas loob na sabi ko at nilagpasan siya. Ito ang pinakamasamang kaarawan ko. “Wait? Kasalanan ko? Paano ko naging kasalanan iyon—hoy! Alejo saan ka pupunta?!” malakas na sigaw niya nang naglakad ako palayo, papunta sa elevator. Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang elevator pababa at nang makapasok ay kitang-kita ako ang hindi maipinta na mukha ni Sancho. Salubong ang kilay na para bang takang-taka sa sinabi ko. Nang magsara ang pinto ng elevator ay hindi ko mapigilan ang maluha. Niyuko ko si Nathalie at ngumiti na lang dahil kahit paano siya ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Mabibigat ang hakbang ko habang naglalakad palabas ng building hindi dahil sa takot kundi dahil sa dismaya na nararamdaman ko. Ang ngiti sa labi ko ay unti-unting nabura dahil sa reyalisasyon na wala na akong ibang mahihingan ng tulong. It’s just me and baby Nathalie. Nang makalabas ng tuluyan sa building ay dumiretso ako sa pinakamalapit na mini-supermarket para bumili ng gatas. Mabuti na lang at may naitabi pa kong pera para kahit papaano ay makabili ng gatas niya. Matapos makabili ay lumabas ako at pumasok naman sa isang convenience para maupo at makapagtimpla ng gatas ni Nathalie. Ngunit bago ko pa iyon maisubo sa kaniya ay bigla na lang ako natigilan nang may maramdaman akong kakaiba. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inilapag ang feeding bottle. “Nathalie, baby? Mamaya kana dumede ha,” bulong ko at niyakap siya nang mahigpit. “Tatakbo tayo.” Tumayo ako at nang bahagya akong lumingon ay nakita ko ang isang lalaki na halos isang dipa ang layo sa akin. Pinagmamasdan ako nito at mukhang armado rin base sa kamay nitong nakahawak sa sinturon. Nang humakbang ito ay agad naman ako kumaripas ng tumakbo palabas ng convenience store, walang lingon-likod at mahigpit na niyayakap si Nathalie. Sunod-sunod ang mura ko sa aking isip. Naririnig ko rin ang tunog ng paa ng taong humahabol sa akin. Hindi lang isa, hindi dalawa, marami, marami sila. Malapit na ako sa kanto pakaliwa nang isang lalaki ang lumabas doon at may hawak na baseball bat dahilan para mapahinto ako. Kumalat ang lamig sa bou kong katawan dahil sa presensya ng taong nasa harapan ko. Shaved ang buhok nito at may takip ang isang mata habang may malapad ang ngiting-aso sa labi. “Kunin sila,” utos nito sa mga tauhan niya na nasa likuran ko. Napalunok ako at humigpit ang yakap sa batang nasa bisig ko. Ang puso ko ay binabalot ng takot at kahit halos manginig na ang tuhod ko dahil sa kaba ay pinipilit kong tumayo nang maayos at matuwid. Hindi ako p’wedeng panghinaan dahil wala akong ibang hihingian ng tulong maliban sa sarili ko. “Nakikiusap ako kung sino man kayo, wala akong kasalanan sa inyo—“ “Ikaw, wala pero ang nanay ng batang bitbit mo at tatay mo, may atraso sa akin,” anito at itinuro ang mata nitong may takip. “Kung utang ‘yan, babayaran ko—“ “One hundred million with interest, Miss Alejo. Paano mo babayaran iyon?” Nalaglag ang panga ko sa gulat dahil sa laki ng halaga ng utang na dapat bayaran. Kahit ibenta ko lahat ng internal organs ko ay hindi aabot sa ganoon kalaking pera. Mariin kong pinikit ang mata ko dahil sa pagkaubos ng pag-asa. s**t! Paano na? Wala na akong ibang tatakbuhan dahil pinapalibutan ako ng mga tauhan ng one-eyed goon na ‘to. “One hundred million?!” Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat nang makita ang taong hindi ko inaasahan. Hawak niya lang naman sa kwelyo ng damit ang isang lalaking lupaypay na para bang walang nangyayari. “S-Sancho…” Nanlalaki ang mata niya habang nakabusangot dahil sa narinig na malaking halaga. Basta niya na lang binitawan ang lalaki na napadaing marahil ay sa sakit saka lumapit sa akin. Napakurap ako at napalunok ng laway. “Anong ginawa ng ate mo at tatay mo sa isang daang milyon?” hindi makapaniwalang tanong niya, “P’wede na akong makabili ng sarili kong bahay, sasakyan at negosyo sa ganoong halaga, may sukli pa.” Napayuko na lang ako dahil sa hiya. Kahit ako ay walang kaalam-alam sa gulong kinasangkutan nila. “Nasaan na ang mga tauhan ko?” singit ng lalaking may eye-patch. Nang tingalain ko si Sancho ay nakapamulsa siya habang nakatingin pa rin sa akin at dahan-dahan na nilingon ang lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang malakas na kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan si Sancho. He looks so different from earlier. “Mga tauhan mo? You mean, sila?” Turo niya sa mga lalaking nakahandusay at dumadaing sa sakit habang hawak ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan. “Anak ka ng putcha!” sigaw ng kanilang boss at umatras ng ilang hakbang saka tumakbo nang mabilis. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papaano ay ligtas na kami ni Nathalie. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumayo sa harapan ni Sancho at ngumti nang malawak. “Thank you—“ “Sabihin mo nga, Alejo. Sino ang mga taong humahabol sa iyo? Bakit may utang kang isang daang milyong piso? Nasaan na ang kapatid at tatay mo?” Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko rin alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na bigla na lang sumulpot ang kapatid ko sa harapan ko at binigay sa akin ang pamangkin ko ng wala man lang maayos na dahilan. “Let’s go,” saad niya na nagpaangat ng ulo ko. “I’ll let you stay in my place for a night, Alejo. Pero bukas kailangan mo maghanap ng ibang titirhan, nagkakaintindihan ba tayo?” Nakangiti akong sunod-sunod na tumango at sumunod sa kaniya nang magsimula siyang maglakad. Napailing pa ako nang ambahan niya ng sipa ang isa sa mga lalaking pinatumba niya nang hindi ko man lang napansin o naramdaman. WALANG tigil sa pag-iyak si Nathalie at hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman ako maalam sa bata. Alas tres pa lang ng madaling-araw kaya paniguradong nakakabulabog kami ng hindi lang ng kapitbahay kundi si Sancho mismo ang naiistorbo namin. Gustuhin ko mang patahanin si Nathalie ay hindi ko magawa dahil wala na rin siyang gatas at naiwan pa sa convenience store ang feeding bottle niya nang habulin kami. “Shh,” pag-aalo ko habang hinehele siya nang marahan. “Tahan na, Baby Nat.” Napaigtad ako nang marinig ang malalakas na sunod-sunod katok sa pinto ng kwarto at paniguradong ang inis na si Sancho iyon. Tumikhim ako at lumapit sa pinto habang buhat-buhat si Nathalie na umiiyak pa rin. Huminga muna ako nang malalim upang pakalmahin ang puso kong malakas ang kabog dahil sa kaba bago binuksan ang pinto. “Do you know what time it is?” Nakahalukipkip na tanong niya sa akin. “It’s f*****g three in the morning, Alejo and I’m supposed to be in a deep f*****g sleep.” Napalunok ako sa tono ng kaniyang pananalita dahil bakas doon ang inis at pagpipigil. “Pasensya na, wala na kasing gatas si Nathalie at—“ “You have your boobies,” aniya na nagpa-awang ng labi ko. Uminit ang pisngi ko at kumurap-kurap dahil sa hiya. Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis sa sinabi niya. Hindi niya ba alam na mga bagong ina lang ang may kakayanan mag-produce ng breastmilk? Is he dumb or too innocent for his age?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD