SANCHO NAPABALIKWAS AKO ng bangon at agad na napahawak sa aking batok nang maramdam ko ang kirot sa parteng iyon. Mabilis ko ring inilibot ang mga mata ko at doon ko agad na napagtanto na nasa loob na ako ng isang pribadong kwarto ng ospital. Mariin akong napapikit nang muli kong maalala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay at napamura saka nagmulat muli ng mata. Fuck! “Boss Sancho? Kumusta na ang pakiramdam mo?” bungad na tanong sa akin ni Ross. “I’m fine,” sagot ko at napapailing. “What happened, Ross?” “May dalawang lalaki ang lumabas ng bahay na pinasukan mo. Lumapit sila akin para sabihing nasa loob ka at walang malay,” sagot niya na para bang napapahiya. “I’m sorry, I wasn’t able to chase them. Kailangan kitang dalhin sa ospital dahil duguan ang bandang ulo mo.” “What

