Chapter 25

2610 Words

JOSIE NAPAHIKAB AKO at agad na bumangon dahil sa wakas ay day off ko na matapos ang ilang araw kong pagta-trabaho sa Calientes mansion bilang tagaluto ni Madam Susana. Dapat ay kahapon ako magpapahinga pero dahil kay Francine na nagpaturo sa akin kung paano magluto ng bulalo ay ngayon ko na lang binalak na mag-day off. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at nang matapos ay lumabas ako ng nakatapis lamang ng tuwalya. Naupo ako sa vanity table at nang makaharap sa salamin ay natigilan ako nang makita ang sugat sa labi ko. Napapailing na lang ako nang maalala kung paano inakala ni Apollo, Lina at Mercedes na sinaktan ako ni Sancho. Agad ko naman napaliwanag kay Apollo iyon dahilan para makunsensya sa kaniyang ginawa. “Day off mo ngayon?” tanong ni Sancho at nang mapalingon ako ay nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD