JOSIE WALANG TIGIL ako sa pagsuntok sa punching bag kahit namamanhid na ang mga kamao ko. Tulad ng sinabi ni Sancho kahapon, tinuloy ko ang training kahit wala siya dahil kailangan niyang makuha ang pouch na sinabi ko sa kaniya kahapon. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kaniya. “Mali ang tindig mo.” Natigil sa ere ang pagsuntok ko at dahan-dahan na ibinaling ang tingin sa nagsalita na si Amihan. Nakatayo lang siya habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip ang kamay. Nakataas din ang kilay niya na para bang hinuhusgahan ang training ko kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng hiya. Napanguso naman ako nang maalala ang mga sinabi niya sa akin nang nakaraan. Ano kayang ginagawa niya dito? “P-Pasensya na, wala kasi si Sancho ngayon—” “Tabi.” Napakurap pa ako nang maglak

