JOSIE MAHIGPIT ang hawak ni Sancho sa braso ko habang naglalakad kami papasok ng Calientes Mansion para ipakilala ako ng pormal sa kaniyang ina. Agad kaming napahinto nang maabutan namin sa sala si Madam Susana kausap si Francine at ang ama nito. Kasama rin nila si Apollo na siyang unang nakapansin sa amin ay napatayo na salubong ang kilay. “Oh, Sancho? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Apollo. “Hi, Josie!” “H-Hello,” ganting bati ko. Dahil sa tanong na iyon ni Apollo ay napabaling sa amin ang tingin ng lahat. Nagsalubong ang kilay ni Madam Susana habang si Francine ay nanlalaki ang mga mata. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kaba. “Sancho? What are you doing here?” tanong ni Madam Susana at nagtaas ng kilay nang makita ako. “And why she's with you?” Kitang-kita ko ang pag

