JOSIE DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang putting kisame. Kumunot ang noo ko dahil kakaiba ang amoy sa loob ng lugar na kinaroroonan ko kaya paniguradong hindi ito ospital. Pinilit kong maupo at agad akong napahawak sa aking ulo dahil bigla na lang kumirot iyon. Nang sa tingin ko ay medyo nawala na ang kirot ng ulo ko ay inilibot ko ang aking tingin. “Anong lugar ‘to?” tanong ko sa aking sarili. Mukha akong nasa loob ng isang clinic ng mga bata, dahil bukod sa maliliit na higaan ay may mga height and weight measurement rin dito at mayroon pang mga laruan na tila ba pinamimigay o iniipon ng kung sino. Huminga ako nang malalim at napatingin sa braso kong may nakaturok na dextrose. Nang kapain ko naman ang bulsa ko ay wala na doon ang aking c

