JOSIE TAHIMIK ANG lahat habang naghihintay sa sala ng balita tungkol kay Madam Susana na hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin. Nasa bandang likuran ako at nakatayong mag-isa dahil halos lahat ng helper ay ayaw lumapit sa akin dahil natatakot na madamay. Hindi ko mapigilan ang makaradam ng pinaghalong takot, kaba at galit dahil wala naman akong ginagawa na ikakasama ng ginang lalo pa at ina ito ng taong mahal ko. Pero bakit ako? Bakit ako ang pinaghihinalaan? Lahat kami ay napatuwid ang likod nang makarinig kami ng tunog ng pagdating ng isang sasakyan. Kumakabog ang dibdib ko at mula sa pinto ng mansion ay pumasok ang hindi ko inaasahan na darating. Nakasout siya ng tuxedo at malinis ang pagkaka-ayos ng buhok pero hindi sapat ang kaniyang tila professional na awra para itago ang madil

