JOSIE MALALIM ANG bawat paghinga ko habang nakaupo at kaharap ang isang pulis na siyang mag-tatanong sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa insidente. Halos tatlong araw na nang hulihin ako at nasa presinto lamang. Hindi rin nakapunta si Sancho tulad ng sinabi niya kaya nag-aalala ako dahil baka kung ano ang ginawa niya. Hindi ko rin magawang tawagan si Carmina para kumustahin man lang si Nathalie dahil iniisip nilang baka magbigay ako ng impormasyon sa kung kanino. Nang tumikhim ang lalaking nasa harapan ko ay napaupo ako ng tuwid at mataman siyang tinitigan. “Josie Mae Alejo, I am Officer Collins. May mga katanungan lang ako sa 'yo at dapat mong sagutin iyon nang tapat para matapos tayo agad,” anito dahilan para tumango ako. “Hindi ko pinagtangkaang lasunin si Madam Susana,” pangungu

