Chapter 30

1776 Words

JOSIE NAPABALIKWAS ako ng gising at agad na napabangon mula sa mahabang upuan saka mabilis na inilibot ang aking mata. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa couch, siguro dahil na rin sa sobrang pagod ko sa mga nangyari. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mapagtanto kong nasa loob pala ako ng tinatawag na headquarters ng team ni Sancho. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman na si Sancho ay isang secret agent. Ang buong akala ko ay sa mga action movies lang may ganoon. Napatingin naman ako sa aking relong pambisig at nang makita kong alas siyete na pala ng umaga ay hindi ko maiwasan ang malungkot. Dapat ay nasa mansion ako para ipagluto ang ginang pero dahil sa nangyari ay tila isa akong takas na nagtatago. Mariin kong kinuyom ang aking kamao dahil sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD