NAPA-ARKO ANG KATAWAN NI JADA nang sandaling lumapat ang malamig na kamay sa likod niya. Ramdam na ramdam niya ang magaspang na daliri at malamig na palad nito dahil sa kahubadan niya. Nawala ang kamay sa likod niya at napabuntong-hininga siya sa panghihinayang. Sinikap na malayang igalaw ang katawan, ineengganyo ang kung anuman na muli siyang hawakan.
Wala siyang makita pero mas dumoble ang lakas ng pakiramdam niya, tumutugon ang mga balahibo niya sa katawan sa papalapit na kalamigan. Napigil niya ang hininga sa antisipasyon. Lumulutang ang h***d niyang katawan sa ere, hindi mapakali, hindi alam kung ano ang inaabangan, ang pagsabog ng init sa loob niya o ang muling pagdikit ng malamig na nilalang.
Nang muling bumalik ang malalamig na mga kamay ay lumapat ang mga iyon sa magkabilang balikat niya, animo pinipigilan siya o marahang itinutulak sa ere para mapigilan ang pagsasayaw ng katawan niya. Sunod na naramdaman niya ang p*****a sa pagitan ng mga dibdib niya. Muling napa-arko ang katawan ni Jada. Impit siyang napaungol. Unang beses niyang naramdaman ang sensasyon na iyon. Nahihiya siya pero umaasang ulitin iyon ng nilalang na may malamig na katawan pero may mainit na dila. Hindi nabigo si Jada at naramdaman niya muli ang labi at dila ng nilalang sa iba’t ibang parte ng katawan niya.
Parang nabibingi siya sa sariling ungol na tanging maririnig sa malalim na lugar na kinaroroonan nila. Nag-e-echo iyon at sinasabayan ng tambol ng t***k ng puso niya. Sinubukan ni Jada na igalaw ang mga kamay. Gusto niyang damhin ang lalake. Pero bago niya magawa iyon ay nawala ito. Nawala ang nakalapat na kalamigan sa katawan niya dahil sa pagkakadikit nila. Ramdam na ramdam ni Jada ang panghihinayang, ang nilalagnat na katawan ay parang unti-unting nilulubog sa yelo. Kasabay ng pagbaba ng temperatura ng katawan niya ang pagbulusok niya. Naramdaman na niya iyon kailan lang, ang pagkahulog sa bangin. Hindi niya pa din magawang imulat ang mata pero alam niya ang nangyayari base sa nararamdaman na paghampas ng hangin sa h***d niyang katawan. Kahit ang luha ay hindi mabuo sa mga mata niya dahil sa malakas at malamig na hangin. Ang sandaling iyon na siguro ang pinakanakakalungkot na mangyayari sa kanya, mamatay siya nang hindi alam kung sino siya at hindi man lang nakaranas ng kahit anong porma ng pagmamahal.
Nang akala ni Jada ay malapit na siya sa dulo ng bangin ay may nabangga ang katawan niya at napigil siya sa pagbulusok, muli niyang naramdaman na lumulutang ang katawan. Ang malamig na nilalang ang nabangga niya. Muli siya nitong niyakap. Hindi lang ang dalawang kamay nito kundi nararamdaman din ni Jada na ang mga braso nito ay nakayakap sa kanya. Ang ulo ng nilalang ay nakalapat sa kanang balikat niya, mistulang inaalo siya, ang malakas na kabog ng dibdib nito ay parang pinaparating na natakot itong tuluyan siyang lamunin ng bangin.
Naramdaman niya ang paggaan ng balikat nang umangat ang ulo nito. Sunod niyang naramdaman ang pagalapat ng labi nito sa mga labi niya. Nang ibuka ni Jada ang mga labi para pahintulutan ito ay nawala ang kalamigan ng paligid. Sa paglalim ng halik ay sa pagkalat ng init ng magkalapat na mga katawan nila. Nang sandaling humiwalay ang lalake ay umungol ng pagtutol si Jada. Pero napalitan agad iyon nang pagsinghap nang maramdaman ni Jada ang kamay nito sa p********e niya, animo hinahanda siya sa mas magandang bagay. Hindi niya kailangang maghintay ng matagal dahil agad siyang pinosisyon ng lalake para mas maglapat ang mga katawan nila.
Hindi maipaliwanag ni Jada kung paano nila ngagawa iyon habang nakalutang pa din sa ere. At lalong hindi niya maipaliwanag ang sabay-sabay na sensyasyon, hindi niya akalain na mararamdaman niya pa iyon. Sinabayan ni Jada ang pagkilos ng lalake, isa pa sa mga nakakamanghang nadiskubre niya sa sarili ay kung paano kadali niya natutunan ang lahat ng ginagawa niya sa oras na iyon nang wala namang nagtuturo sa kanya. Parang may nabuhay na parte sa hindi niya malaman na bahagi ng pagkatao niya.
Gustong imulat ni Jada ang mga mata para makita ang kaniig pero hindi niya magawa. Isa pa ay mahirap mag-isip o gumawa ng kung ano pa dahil sobra-sobra ang sensayon at emosyon na binibigay ng pagkakadikit nilang iyon. Bumibilis ang kanilang mga kilos at ang mainit na paghinga ng lalake ay habang buhay ng matatandaan ng leeg niya. Ayaw niyang matapos iyon pero katulad ng kahit anong bagay na umiiral, may katapusan iyon at nararamdaman niyang malapit na sila sa dulo na nangangako ng kakaibang ligaya. Nangyari nga iyon, at totoo ang pangako.
Akala niya ay matindi na ang init na nararamdaman niya sa pagkakadikit ng katawan nila kanina, mas matindi pa pala ang kumalat na init na tanda na nangyari ang sandaling iyon. Ang init ay unti-unting kumakalat hindi lamang sa sinapupunan niya kundi sa buong katawan niya hanggang makarating iyon sa mga mata niya. Tinulungan siya ng init para mabuksan ang mga mata niya. Una niyang nakita ang katawan na lumiliwanag dahil sa bumalot na init. Nang itaas niya ang paningin ay hindi niya agad nakita ang lalakeng nakayakap sa kanya pero nagliliwanag ang mga marka sa katawan nito. Pinaglandas niya ang daliri at sinubukang intindihin ang sinisimbulo ng mga tattoo ng lalake. Nang may sumingit na liwanag ng araw sa kinaroroonan nila ay naglaho ang mga marka pero luminaw ang hugis ng katawan ng lalake. Inangat pa niya ang paningin at nakita ang mukha ng lalake na nasisinagan ng araw. Seryoso itong nakatingin sa kanya, malamig ang mga mata. Gusto tuloy pagtakahan ni Jada kung ito ang lalakeng nakaniig ilang segundo pa lang ang nakakalipas.
Aabutin sana niya ang mukha nito para haplusin ang pisngi nito pero pinigilan nito iyon. Mabilis na kumalat ang liwanag sa kinaroroonan nilang bangin dahil mabilis na tumataas ang pang-umagang araw pero kasabay niyon ay ang mabilis na pagkalat din ng kalamigan sa buong katawan niya.
Humihigpit ang pagkakahawa ng lalake sa kamay niya habang may sinasabi ito sa dayaketong hindi niya maintindihan. Naramdaman na lang ni Jada ang biglang pagbitaw nito sa kanya, tinangka niyang abutin ito pero huli na. Muli siyang bumulusok sa bangin. Sa sobrang bilis niyon ay pinangapusan siya ng hininga hanggang wala na siyang maramdaman.
MGA KATOK SA PINTO ang nagpagising kay Jada. Sandali pa siyang naguluhan kung nasaan siya at naisip na ang kumakatok ay ang mga kasambahay ni Ambrose. Mabilis din niyang binawi ang isip nang mapansing maliwanag ang buong kwarto na kinaroroonan niya dahil tumatagos ang pang-umagang sikat ng araw. Samantalang sa kwarto niya sa mansyon ni Ambrose ay madalang mabuksan ang floor to ceiling na kurtina, madilim ang kwarto niya na parang gusto talagang itago siya sa mundo.
Sa pagmamadali ni Jada na bumangon at pagbuksan ang kumakatok na si Mariz ay napagpag mula sa kama ang agimat na binigay ng ale sa kanya kahapon. Dadamputin na sana niya iyon nang marinig na naman ang katok ni Mariz.
Mabilis niyang binuksan ang pinto at nahihiyang humingi ng pasensya sa babae.
Nagkibit-balikat lang ito at nagsabing hihintayin siya sa ibaba ng building. Nang maisara niya ang pinto ay nakita niya muli ang agimat, iniisip na epektibo iyon sa magdamag dahil hindi siya nagising at hindi naramdaman ang kagustuhang lumabas at maglakad. Habang mabilis na gumagayak ay pilit niyang inaalala kung ano ang napanaginipan pero hindi man lang niya matandaan kahit kaunting piraso niyon. Ang naiwan lang sa kanya ay kakaibang hungkag na pakiramdam.