Ang Pagkalito

2547 Words
NAGISING SI JADA sa pakiramdam na hindi makahinga. Napabalikwas siya at takot na takot na siniksik niya ang sarili sa ulunan ng kama. Mabilis niyang nilibot ang tingin sa paligid. Nang makitang walang tao ay napayapa siya. Hindi alam ni Jada kung nasaan siya. Hindi pamilyar ang kwarto, siguradong wala siya sa tinutuluyang bahay ng mga volunteers ayon na din sa tanawin sa labas ng bintana.   Maingat siyang bumaba sa kama. Hindi pa din maiwasang ilibot ang paningin at makiramdam kung wala siyang kasama. Kung susundin niya ang pakiramdam ay masasabi niyang wala siya sa bahay ni Ambrose. Hindi siya nahuli at naibalik dito ng lalake. Dahil ibang-iba ang mga pag-aari ni Ambrose sa kinaroroonan niya. Lahat ng kwarto sa alinmang bahay ng kinilalang kapatid ay sumisigaw ang karangyaan sa bawat sulok. Samantalang ang kwartong kinaroroonan niya ay napaka-simple, halos walang gamit kundi ang kama na pang-isahan, side table, isang silya at tokador sa isang sulok. Malinis ang buong kwarto pero mahahalatang may kalumaan na ang mga materyales na ginamit katulad ng tiles at ang kisame. Mula sa mga bintana at pintong nakabukas sa balkonahe ay ang madilim na langit ang natatanaw niya. Hindi niya alam kung nasaang mataas na lugar siya.   Marahan at nakatiyad siyang naglakad papunta sa balkonahe. Natatakot dahil hindi niya alam kung ano o sino ang makikita niya doon. Pagkatapos ng karanasan kaninang madaling araw ay hindi na maalis ang pakiramdam niya na parang may nakatingin sa bawat kilos niya. Kinakabahan siya na baka makita niya ulit ang lalake na nagbigay sa kanya ng ganoong pakiramdam. Sino ang lalakeng iyon? At ano ang kaugnayan nito kay Ambrose? Sumalubong kay Jada ang malamig na hangin na nanggagaling sa natatanaw na malapit na dagat. Kumapit siya sa barandilya at tinanaw ang mga abandonang kalsada na ilan lang ang may poste ng ilaw. Base sa mga nakikita niyang estruktura ay iyon ang pamilihan ng lugar na iyon na malapit sa maliit na port. Wala siyang ideya kung bakit nasa nag-iisang gusali siya sa lugar na iyon. Kung tatantyahin niya ang taas ng kinaroroonan niya ay nasa ikatlong palapag siya. Nakausli ang balkonahe kaya nang tumingala siya ay nalaman niyang iyon na ang huling palapag. Babawiin na sana niya ang paningin sa itaas ng rooftop nang mapansin niya ang aninong nakatayo doon. Nang kumurap ulit siya ay nawala iyon. Dumoble ang takot na nararamdaman niya at mabilis na bumalik sa loob. Sinarado ang pinto ng balkonahe at bumalik sa kama, hindi alam ang gagawin. Palipat-lipat ang tingin sa pinto ng balkonahe at pinto ng kwarto. Kung lalabas siya ng kwarto ay maaaring masagot ang tanong niya ng mga taong makikita niya kung bakit siya nandoon. Pero paano kung ang lalake kaninang madaling araw ang makita niya? Sandaling sumagi sa isip niya na umalis sa lugar na iyon sa pagtalon sa bintana katulad ng ginawa niya noong labindalawang taong gulang siya para tumakas sa mga inaakalang magulang. Noong nakatira siya sa bahay ni Ambrose ay ilang beses din siyang nakakadaan sa bintana mula sa kwarto niya sa ikalawang palapag hindi para lumayas kundi para i-enjoy ang katahimikan ng gabi sa hardin. Pero ngayon, iniisip pa lamang niya ang taas na bababain niya ay nahihilo na siya at tumataas ang mga balahibo. Ngayon lang siya natakot sa heights. Sigurado siyang may kinalaman iyon sa pagbulusok niya sa bangin kanina na akala niya ay ikamamatay niya. Sumingit sa alaala niya ang pagsagip sa kanya ng lalakeng kinatatakutan. Sa kabila ng takot ay may bumabangon na hinala na hindi ito masamang tao dahil sinagip pa din siya nito. Pero anong klaseng tao ito? Kung tao nga ito. Kung tama ang memorya niya at kung nasa katinuan pa siya ay sigurado siyang may kakaiba sa lalake. Mula sa bangin ay dinala siya nito sa gitna ng kalsada sa loob lang ng ilang segundo. Wala man siyang karanasan sa pakikisalamuha sa tao pero alam niyang hindi iyon ordinaryong kakayahan ng isang normal na tao. Napailing siya, kinukumbinsi ang sarili na panaginip lang iyon. Walang tao ang kayang mag-teleport o nagiging invisible. Nananaginip lang siya. Lahat ng ito ay panaginip lang. Naglalaro lang lahat sa utak niya dahil sa desperasyon niyang matakasan si Ambrose. Sigurado siyang nasa mansyon pa din siya ni Ambrose, nakatulog na naman sa damuhan. Mariin niyang pinikit ang mga mata at paulit-ulit na ginigising ang sarili.   Nang marinig ang pagpihit ng doorknob ay nanlalaki ang mga matang napabaling siya doon. Hindi alam kung paano ibabaon ang sarili sa kutson ng kama o tatayo doon para maiwasan kung sinuman ang papasok. “Jada?”   Nang sumungaw si Dra. Clara sa pintuan ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya napigilang takbuhin ito at yakapin nang mahigpit.   “You’re okay. You’re okay,” pag-aalo ng ginang sa dalagang nangangatal. “M-may gustong pumatay sa akin, Doc!” Jada cried. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang naranasan niya kanina sa bangin, pero iisa lang ang sigurado siya, konektado ang lalake kay Ambrose at hindi magandang ideya iyon lalo na at tinatakasan niya ang kinilalang kapatid. Nanganganib ang buhay niya! “You’re safe here, hija.” Inalalayan siya nitong umupo pabalik sa kama habang hinahagod ang likod niya. Umiling si Jada. “Gusto akong patayin ng lalake sa bangin and then…” natigil siya at pinilit binalikan ang pangyayari. Dinala siya ng lalake sa bangin, nararamdaman niya ang galit nito sa kanya pero hindi niya alam kung bakit. Nang mahulog siya sa bangin sa isang parte ng gubat ay sinagip siya nito at sa isang iglap ay nasa gitna na sila ng kalsada. Bumukas-sumara ang bibig ni Jada at gustong ituloy ang sasabihin. Gusto niyang sabihin dito ang tungkol sa misteryosong lalake pero bigla siyang nagdalawang-isip. Nakatitig sa kanya si Dra. Clara na puno ng pang-unawa ang mga mata at hinihintay ang sasabihin niya. Parang bigla niyang nakita sa mga mata nito ang kaparehong titig na binibigay ng mga katiwala ni Ambrose kapag nagsasabi siya sa mga ito ng mga kakaibang karanasan niya. Mga titig na gustong maniwala sa kanya dahil dala ng awa sa kalagayan niya. Ayaw niyang makita iyon sa mga mata ng doktora. Ngayon, bukod sa takot na nararamdaman dahil sa lalake kaninang madaling araw ay dumagdag pa ang takot na pagtawanan, kaawaan at iwasan dahil sa mga pinagsasabi niya.   “H-How did you find me?” sa halip ay tanong niya. Nang matapos ang outreach program ay nagpaalam sa grupo ang ginang para sa iba pa nitong ginagawang trabaho. Binilinan siyang tumigil muna sa bayan na iyon para makapahinga at maghanda para sa susunod na volunteer program. Hindi alam ni Jada kung ganoon nga ba ang normal na ginagawa ng mga volunteers samantalang ang iba ay lumuwas na at nagsabing babalik sa mga trabaho ng mga ito at sasama na lang ulit kapag may operasyon ang grupo. Inisip na lang ni Jada na ang pagtrato sa kanya ni Dra. Clara ay dahil nasabi niya ang sitwasyon niya dito, na may tao siyang tinatakasan at wala siyang alam na ibang puntahan. Pero tatlong araw pa lang siyang nakakalayo ay nadagdagan na ang taong tinatakasan niya, una ay si Ambrose at pangalawa ay ang misteryosong lalake.   Parang sandaling nag-atubili ito pero mayamaya ay, “Someone found you unconscious in the middle of a deserted road, Jada. Maliit lang ang bayan na ito kaya mabilis na nakarating sa akin ang nangyari,” mahinang sagot nito. “Isa rin siyang miyembro ng grupo,” dagdag nito. Sigurado si Jada na ang lalakeng nakatagpo sa kanya at nagdala sa lugar na iyon ay magkaiba. Kung isa ring miyembro ng grupo ito ay hindi naman siguro nito pagbabantaan ang buhay niya sa unang beses na nagkita sila hindi katulad ng ginawa sa kanya ng lalakeng nagdala sa kanya sa bangin. Isa pa, wala naman sigurong kaugnayan si Dra. Clara o ang grupo sa isang nilalang na may kakaibang kakayahan, lalo na sa isang nilalang na may masamang balak. Baka nga sa buong maliit na bayan na iyon ay walang nakakakilala sa lalake. O kaya naman ay malaki ang posibilidad na nananaginip lang siya. Mas malaking posibilidad iyon. Ginawa lang ng isip niya ang tungkol sa lalake dahil sa takot niya kay Ambrose. May parte ng isip niya na ayaw tanggapin na panaginip lang ang nangyari sa kanya. Masyadong detalyado sa isip niya ang mukha at mga ginawa ng lalake para maging panaginip iyon. Pero paano niya mapapaliwanag ang nangyari? Ah, ang daming gumugulo sa isip niya na gusto niya na lang takasan lahat ng iyon. “Will you please thank him for me?” she smiled sadly. Napakaraming tao ang naabala niya.   “Pwede mong sabihin iyan sa kanya mismo kapag nagkita kayo sa susunod na operasyon ng grupo.” Dra. Clara suggested with a little smile. “I-I don’t know… I am really grateful to you, Doc, but I think it’s best if I leave,” nakatungo siya nang sinabi iyon. “S-saan ka pupunta?” Dra. Clara sounded worried and alarmed. Hindi pa rin niya kayang mag-angat ng tingin sa ginang, nahihiya at natatakot sa desisyong gagawin. “I don’t know. M-Maybe it’s not a good idea to be here.” Mahirap iyong sabihin para kay Jada lalo na at nagustuhan niya ang volunteer work na ginawa kasama ang grupo. Kung aalis siya ay babalik naman siya sa pag-iisa at sa mas nakakatakot na posibilidad na mahanap siya ni Ambrose.   Katulad noong labindalawang taong gulang siya, akala niya ay magbabago na ang buhay niya nang sumama siya kay Ambrose at iniwan ang mga nakilalang magulang. Mas malaking pagkakamali pala iyon. Paano kung maulit lamang iyon? Paano kung mas malaking kapahamakan pala ang mangyayari sa kanya sa maliit na bayan na iyon? At nakakahiya rin sa mga taong tumulong sa kanya katulad ni Dra. Clara na mag-abala sa katulad niya. Ni wala siyang alam na kahit anong gawaing bahay o anumang trabaho. Dalawang taon na simula ng maka-graduate siya pero pakiramdam niya ay isa siyang bata na unang beses lang nakalabas at nakakita ng iba't ibang tao. Nahihiya at natatakot pang makisalamuha.  “You belong here, Jada.” Napalingon siya sa ginang dahil sa katiyakan sa tono nito. Unang beses na marinig niya iyon na patungkol sa kanya at puno ng sinseridad. Hindi niya kahit kailan narinig iyon sa inakalang mga magulang. Para sa katulad niyang buong buhay nang tinatanong kung sino siya at sino ang totoong pamilya niya, gusto niyang kapitan ang sinabi ng ginang. Pero mahirap mawala ang mga pagdududa niya sa sarili kung karapat-dapat ba siyang tanggapin ng kahit na sino. Ginagawa na niya buong buhay niya ang pagdududang iyon. “Why do you really invite me here?” mahina niyang tanong. Walang ispesyal sa kanya. Kahit alam niyang nag-e-exist ang mga humanitarian organizations ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na sumali sa mga iyon dahil limitado ang paglabas-labas niya noong nag-aaral siya. Napapanood, naririnig at nakikita din niya ang sitwasyon ng lipunan katulad ng kahirapan pero hindi pa siya nakakagawa ng kahit anong paraan ng pagtulong dahil muli, limitado ang nakakasalamuha niyang tao, sinisigurado iyon ni Ambrose sa tuwing kailangan niyang lumbas na bihira lang mangyari. Ang pagtulong niya sa nanganganak na pasaherong nakasabay ay nagkataon lang at ni hindi rin niya mapaniwalaan na nagawa niya. Ni hindi niya naisip na magagamit ang kaaalaman sa pagtulong sa nanganganak. Ang katuwaan na makatulong ng oras na iyon ang nagtulak sa kanya para tanggapin ang alok no Dra. Clara na sumama sa grupo nitong tinatawag na Calida. Pero hindi niya naisip noong una na pagdudahan kung bakit inimbita siya ng ginang na sumama sa grupo ng mga ito, ngayon pa lang. Ang pagdududa niya ay mas patungkol sa sarili kaysa sa intensyon ni Dra. Clara. “Likas sa tao ang pagtulong, Jada and you are a natural,” inabot ng ginang ang mga kamay niya. “At iyon din ang gusto kong gawin, ang tulungan ka. Willing akong kupkupin ka hanggang makatayo ka sa mga paa mo.” Bahagya lang napansin ni Jada ang nararamdamang lamig sa mga kamay ng ginang, natabunan iyon ng init sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya iyon narinig sa kinilalang ina kahit pa nga ginawa nito ang lahat para maituro sa kanya ang lahat ng dapat matutunan katulad ng isang estudyanteng pumapasok sa paaralan. Si Ambrose naman na kinilalang kapatid ay iba ang interpretasyon sa tulong na kailangan niya.   “Accept that you need help, Jada. I want to help you help yourself. Please let me,” May pagmamakaawa sa tono nito na ang hirap hindian. Hindi niya magawang sagutin iyon. Gusto niya ring mangyari iyon sa sarili niya kahit maraming taon na ang nasayang at napakarami niyang kailangang habuling matutunan sa totoong mundo na pinagkait sa kanya ng mga taong nakasama niya sa paglaki. Pero natatakot siyang mandamay ng ibang tao sa panganib na daladala niya na maski siya ay hindi maintindihan. Ilang libong beses na ba niya tinatanong ang sarili kung sino ba talaga siya? Bakit ganito ang buhay niya? Ano ang intensyon ni Ambrose para ikulong siya? At ngayon, mas nadagdagan pa ang mga tanong...  Sino ang misteryosong lalake?    ***** * ***** KAHIT NASA ROOFTOP AY NARIRINIG ni Sebastian ang pag-uusap ng babaylan at ng babaeng tinawag nitong Jada, ang babaeng kailangan niya para matapos ang imortalidad ng tribu. Hindi nito sinabi kay Clara ang nangyari sa bangin. Siguro ay hindi ito naniniwala sa nakita. Walang pakialam si Sebastian kung ano ang iniisip ng babae sa pagkatao niya. Sa mga susunod na pagkikita nila ay hindi maiiwasan na masaksihan nito ang mga kakayahan niya dahil kailangan niyang gawin iyon para magawa ang misyon niya. Malaman man nito ang tungkol sa tribung imortal ay siguradong walang maniniwala dito. Napakatagal na nilang namumuhay nang di nag-aalala na mabunyag ang imortalidad nila dahil alam nila kung paano protektahan ang grupo. Base sa pagkakarinig niya at una nang nasabi ni Clara tungkol sa babae ay wala ring itong ibang kilalang tao na mapagsasabihan ng tungkol sa nangyari kanina. Sigurado din si Sebastian na hanggang ngayon ay iniisip nito kung totoo ngang nangyari o panaginip lang lahat ng iyon. Anuman ang paniwalaan ng babae tungkol sa kanya ay dadalhin nito ang kaalaman na iyon kapag inialay niya ito sa sagradong lupa.   Naalala niya ang init na naramdaman mula sa katawan ng babae nang sagipin niya ito sa pagkahulog sa bangin. Napakatagal na panahon nang hindi siya nakakaramdam ng init mula sa kahit ano. Kapag nagtagumpay siya sa misyon niya ay mas matinding init pa ang ipaparamdam ng sagradong lupa sa katawan niya. Magbabalik ang pagdaloy ng init sa mga ugat niya sa sandaling lamunin ng lupa ang katawan niya at iyon ang huling mararamdaman niya bago mamatay. Pero kailangan niyang maghintay. Kailangan niyang masigurado na hindi sugo ni Ambrose ang babae para lokohin siya katulad ng ginawa nito maraming taon na ang nakakalipas. Lalo na at narinig mismo ni Sebastian ang pangalan ni Ambrose mula sa babae. May koneksyon ang dalawa. At iyon muna ang aalamin niya para masiguro na ito nga ang sinasabi ng propesiya.   Kahit malakas na nararamdaman niya sa babae ang mga pananda, kung mapatunayan niya na peke ito at kasabwat ito ni Ambrose ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang babae. Peke man ito o hindi ay iisa ang kauuwian nito, ang sagradong lupa ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD