Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Enzo sa akin. “Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa akin, ang dami mo pa kasing arte eh,” inis kong sabi sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang halinghing dahil sa aking sinabi. “’Pag sinabi ko sa ‘yo baka magselos ka.” Tinignan ko siya nang masama dahil sa sinabi niya. “Kapal mo naman, hindi ba pwedeng alamin ko kasi kaibigan mo ako?” sambit ko sa kaniya. Natatawa naman siya at dahan-dahan na naglakad papalapit sa akin at iniliyad ang kaniyang kamay sa aking harapan. “Tara na, you don’t need to know na din naman eh. Malalaman mo din naman iyon soon,” nakangiting sabi niya sa akin. Napailing-iling na lang ako sabay napairap. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa bigla niyang paghawak sa aking kamay. “Nag

