“Enzo!” agad siyang napabitaw sa pagyakap sa akin dahil sa malakas na sigaw ko. Dali-dali akong lumayo sa kaniya sabay napayakap sa aking katawan. Agad namang napatayo si Enzo sa kaniyang pagkakahiga sabay kinuha ang kaniyang unan at inilagay sa kaniyang lap. Napahawak siya sa kaniyang noo at para bang nagsisisi dahil sa nangyari. “S-sorry,” utal niyang pagkakasabi. Napahinga lang ako ng malalim sabay napaupo sa kaniyang kama. “Okay lang.” Napahawak ako sa aking ulo sabay napaiwas ng tingin sa kaniya. “Pwede bang iwan mo muna ako, Sheena meron lang akong gagawin.” Napatingin ako sa kaniya sabay napangiti at napatango-tango. Agad akong tumayo sa aking inuupuan at naglakad patungo sa pintuan. Bago ako makalabas ay napahinto muna ako at napatingin sa

